08

2516 Words
****Sa bahay nila Amy**** “makakatulong ang impormasyon na ibinahagi mo para matukoy ang mga lalaking humarang sa inyo at kung mapapatunayan, na ang tinutukoy mo na si Andrew Martinez nga ang nasa likod ng lahat ng ito ay madali nalang natin malulutas ang kaso na ito” Saad ni Jaime matapos tanungin si Rylie ng ilang bagay patungkol sa nangyari sa kanila. “salamat po, hangad ko na kahit paano ay mabigyan ng hustisya ang nangyari sa amin, lalong lalo na sa kaibigan kong si Steven, gagawin ko ang makakaya ko para malaman ang katotohanan, para kahit dito man lang ay makabawi ako sa pagligtas sa akin ng kaibigan ko.” Masayang tugon ni Rylie kay Jaime. “Wag kang mag alala, gagawin ko lahat ng paraan para malutas ang kaso na ito, basta tandaan mo lang na oras na may nalaman kayo na impormasyon na makatutulong sa kaso na ito ay ipagbigay alam niyo agad sa akin” pagtatapos ni Jaime sa usapan, sabay lahad ng kamay nito kay Rylie para makipagkamay bilang pagbati ng magandang simula ng pagtutulungan nila. Agad naman itong tinugon ni Rylie bilang tanda ng pagtanngap at pasasalamat sa malaking tulong ni Jaime sa kanila para sa paglutas ng kaso. Hindi naman nagpaawat si Amy na madama ang kamay ni Jaime kaya dali-dali din itong nakipagkamay sa binata. Kahit naguguluhan sa kilos ni Amy ay kinamayan na din ni Jaime ito. “salamat sa meryenda mo Amy, kahit na kamuntikan mo na akong matunaw sa kakatitig mo” pahabol ni Jaime habang patuloy pa din siyang kinkamayan ni Amy na parang ayaw na atang tumigil. “nakakahiya naman, napansin mo pala, di bale, basta your welcome naman here sa bahay anytime eh, just come back, you know” pa demure na tugon ni Amy habang hawak hawak pa din ang kamay ni Jaime. Nahalata naman ni Rylie na parang napapatagal na ang pakikipagkamay ni Amy kaya agad niya itong binulungan. “Amy, nakakahiya naman kay officer, baka may gagawin pa siya” pagbulong ni Rylie. “oh sorry!” pagkabigla ni Amy kaya agad niyang binitawan ang kamay ni Jaime. “hahaha, nakakatuwa ka talaga Amy, o sige mauna na ako, Rylie tawagan mo na lang ako pag may nalaman kang mahalagang impormasyon, okay?” pagtatapos ni Jaime sa usapan. Inihatid ito ni Amy hanggang sa gate at talaga naman na walang tigil ang kakasulyap nito kay Jaime hanggat hindi ito nawawala sa kanyang paningin. Pagkapasok palang ni Amy ng bahay ay nagtitili na agad ito sa sobrang pagkakilig daig pa ang nanalo sa jackpot. “grabe Rylie! I think siya na nga ang nakatadhana sa akin” nag iilusyon na sabi ni Amy na hindi pa din maaawat sa pagkakilig. “masaya ako para sa iyo amy, mukhang mabait naman siya eh, tsaka bagay kayo” tugon ni rylie kahit natatawa sa pinaggagawa ni Amy. “basta kunin ko yung number niya ha? Hindi ko na maantay na ayain niya akong magdate, haist anu kayang susuotin ko? Hmmm” si Amy at agad pumunta sa kanyang drawer para tumingin ng damit. Magsasalita pa sana si Rylie ng biglang tumunog ang doorbell sa may gate kaya agad naging alerto si Amy sa pag aakalang bumalik si Jaime. “OMG!! Ang bilis naman? Siguro si Jaime na yun at aayain ako ng date!” masiglang sabi ni Amy sabay takbo patungong gate. Agad naman na sumunod si Rylie para tignan kung sino iyon. Pero labis silang nagulat sa di inaasahang panauhin. “Shiela?” ************************ Maagang natapos si Shiro sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan para sa kumpanya kaya naman maaga itong nag ayos para na din makadaan sa restaurant upang masundo ang asawa niyang si Cecilia. Matapos mamatay ang ama ni Shiro, ay siya na ang humalili dito para magpatakbo ng kanilang kumpanyang ‘Matsu Clothes Line Company’ kung saan makikita ang mga sikat na fashion trends na gawa ng mga best Fashion designers. Naging maayos naman ang kanyang pangangasiwa dito at mas lalo pang dumami ang kanilang investors dahil na din sa kanyang sipag at tiyaga. Agad na nag paalam si shiro sa kanyang mga kasamahan at agad na tinungo ang kanyang sasakyan, ngunit laking gulat nalang niya sa kung sino ang babaeng naghihintay dito. “V-V-Veronica?” gulat na gulat na nasambit ni Shiro na animoy nakakita ng isang multo. Agad naman na nilapitan siya ni Veronica at agad na hinaplos nito ang katawan ni Shiro na tila ito ay sabik na sabik, ngunit akmang hahalikan niya ito ay mabilis na umiwas si Shiro sa mga mapanuksong labi ni Veronica. “Is this your way of welcoming me? Come on Shiro, don’t be so surprise to see me, I’m totally back and I’m ready to be with you….. AGAIN” nang aakit na sambit ni Veronica habang patuloy na hinahaplos ang katawan ni Shiro, ngunit imbes na magpadala sa tukso ay itinulak ito ni Shiro palayo sa kanya. “What are you doing Veronica?!! Stop this stupidity! Hindi pa ba malinaw ang napagkasunduan natin?!! Ano pa bang kailangan mo?!! Pera?! Ano? Sabihin mo lang!” tugon ni Shiro na may kataasan ang tono ng kanyang boses. “relax Shiro, don’t worry, hindi pera ang kailangan ko, kundi Ikaw! Ang pagmamahal mo na inagaw ng malanding asawa mo!!” si Veronica. “Wag mong pagsasalitaan ang asawa ko ng ganyan! Buti pa umalis ka na, your ruining my day, wala na tayong dapat pag usapan pa” si Shiro. “No! You’re not leaving! Shiro, let’s build our family again, I know we can be happy together” pagmamakaawa ni Veronica. “Stop this Veronica, we are already finished, move on okay? I’m happy now with my son and my wife, kaya pwede wag mo ng guluhin pa? just go back from where you came from” sarcastic na tugon ni Shiro sabay sakay sa kanyang kotse. Naiwang nakatayo si Veronica habang pinagmamasdan ang pag alis ng kotse. “I will never give up Shiro, ayaw mo pala ng mahinahong usapan ha? Pwes maghanda ka na sa santong paspasan!” paniniguro ni Veronica. ********************** Sa isang malaking bahay na animo’y isang mansion.. Naisipan ni Precious na maligo dahil hindi niya maatim ang lansang kumapit sa kanya pagpunta niya ng palengke para hanapin si Martha. Agad niyang hinubad ng paunti unti ang kanyang kasuotan at dali daling pinihit ang shower para madama ang lamig ng tubig. Banayad ang paggalaw ng kanyang kamay sa kanyang buong katawan ngunit nagulat na lamang siya ng may humawak sa kanyang likuran. “oh SH%T!!! sino ka?!!” pagkagulat ni precious at akmang sasampalin ang lalakeng gumawa sa kanya noon. Ngunit natauhan na lang siya ng Makita ang lalaking nanghipo sa kanya. “Ramon?!!! Nakalaya ka na?” gulat na gulat na bigkas ni precious di alintana ang kanyang hubo’t hubad na katawan. “yes my Precious, di ba sabi ko naman sa iyo na baka magulat ka nalang na may biglang susundot sa nanunuyo mong kalamnan” tugon ni Ramon at agad na tinanggal ang kanyang mga damit. “akala ko kasi, (sabay halik kay ramon) niloloko mo nanaman ako (halik ulit ng mas maalab kay ramon) I’m so happy ramon” tugon ni Precious at tuloy tuloy nang pinaghahalikan si Ramon. Agad silang lumabas sa shower cubicle at humiga sa bathtub na agad naman pinihit ni ramon ang gripo para lumagaslas ang tubig na makakapagdagdag ng init sa kanilang ginagawa. “tell me (sabay sibasib sa bibig ni precious) kamusta ang pinapagawa ko?(halik ulit sa bibig ni precious sabay hawak sa mga parte ng katawan nito) ok na ba?” tugon ni Ramon na di mapigilan ang pagsinghap sa matinding alab ng kanilang ginagawa. Ngunit agad naman na nilayo ni precious ang kanyang mukha para makapag usap ng mabuti kay Ramon. “well, speaking of that, I have a very good news for you, nahanap ko na si Martha Martinez, gaya ng sinabi mo, may mapagkakaabalahan ka na” tugon ni Precious habang nilalaro ang dibdib ni Ramon. Hinawakan ni Ramon ang kamay ni Precious at pumatong siya sa katawan nito, kasabay ng maalab na halik sa leeg. “yan ang gusto ko sayo precious, ginugulat mo ako sa abilidad mo, kailangan planado ang lahat bukas, pero sa ngayon, let’s have a great time” tugon ni Ramon at tinuloy muli ang maalab niyang pag halik. *******sa bahay nila Amy************ Sa pagkakakita kay Shiela, ay agad nila itong pinapasok sa loob ng bahay nila Amy. “Shiela? Paano mo nalaman na nandito ako? Tsaka anong ginagawa mo dito? Mamaya eh malaman nila tiya Martha na nakipagkita ka sa akin tiyak malalagot ka doon” pagbati ni Rylie kay Shiela. “kuya Rylie okay lang yun, di naman nila malalaman eh, tsaka nagtanong tanong ako at ayun may nakakita na kasama mo si ate Amy, kaya nagbakasakali ako na nandito ka nga, may mahalaga kasi akong sasabihin at importanteng malaman mo ito, di na kasi kaya ng konsensya ko eh” paliwanag ni Shiela. Labis naman na naging interesado sina Rylie at Amy sa mga susunod na sasabihin ni Shiela, pakiramdam niya eh, eto na yung sagot na kanyang inaantay. “kuya Rylie, sorry nga pala sa ginawa sayo nila mama at papa, alam ko naman na hindi mo magagawa yun eh, tsaka alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ng kuya ko sa iyo” dugtong ni Shiela. Labis naman na naguluhan si Rylie sa ibig sabihin ni Shiela. “salamat shiela, pero hindi ko maintindihan eh, tungkol sa ano ba iyon?” pagtataka ni Rylie. “si kuya Andrew (biglang naiyak)….. siya…… siya ang nag utos para paresbakan kayo, pero maniwala ka kuya Rylie, hindi niya intension na umabot sa ganoon” paliwanag ni Shiela. Gulat na gulat naman sa kanilang narinig sina Rylie at Amy, na tama pala ang kanilang hinala tungkol kay Andrew. “teka teka, paano mo naman nasabi na ang kuya mo ang may pakana nun sa mga kaibigan ko?” sabat ni Amy na labis na naintriga at gustong malinaw ang lahat. “narinig ko kasi noon na may kausap si kuya Andrew sa phone, tungkol nga doon sa pinagawa niya” tugon ni Shiela na may halong kaba. “narinig mo? Kilala mo ba kung sino yung kausap niya?” tanong ni Amy. “ang pagkakaalam ko eh, yun yung barkada niyang si Jonas, at sigurado akong sila ang mga tinutukoy ni kuya Rylie na humarang sa kanila” paliwanag muli ni Shiela. Labis naman na pagkagulat ang nararamdaman ni Rylie at pagkalungkot na din dahil sa ginawa sa kanya ng kanyang pinsan, na kanyang kadugo mismo. Kahit na hindi makapaniwala eh kailangan na niyang paniwalain ang kanyang sarili na si Andrew talaga ang nasa likod ng lahat. “salamat Shiela, malaking bagay ang pagsabi mo sa amin ng katotohonan, handa ka bang makipagtulungan sa amin? Tingin ko kasi ay kelangan natin humanap ng katibayan na si Andrew nga ang may pakana nito” tugon ni Rylie. “payag ako kuya Rylie, makikipagtulungan ako sa inyo, bilang paghingi na din ng tawad sa nagawa ng mga magulang at kuya ko sa iyo” naluluhang tugon ni Shiela sabay yakap kay Rylie. “ngayon na alam na natin kung sino ang may pakana, kelangan sabihin natin ito kay papa Jaime” suhestiyon ni Amy na agad namang sumang ayon si Rylie. *************************** Sa isang sosyal na restaurant... Kung saan napagkasunduan ang isasagawang date kay Dianne, maagang dumating sina Harajima at Koji na sobrang excited na Makita si Dianne. “kinakabahan ako ah, pero salamat sa ginawa mo bro, napapayag mo si Dianne sa dinner date na ito” pagpapasalamat ni Harajima. “ah, wala yun, basta lakasan mo lang ang loob mo, mabait yun si Dianne tsaka masayang kasama” tugon ni Koji habang busy sa paglalaro ng PSP. “tingin mo may pag asa kaya ako kay Dianne?” bigla na lang natanong ni Harajima. “ah, eh, oo naman, gwapo ka naman, at matalino, maari ka naman niya sigurong magustuhan” tugon nalang ni Koji at pilit pa din na nagconcentrate sa paglalaro. Di nagtagal at dumating na ang kanilang inaantay, namangha sina Koji at Harajima sa sobrang ganda ni Dianne, kahit nga ang ibang tao na nandoon ay talaga naman na napalingon at ang iba ay na starstruck pa. “wow! What a beautiful angel that fell from the sky!” tanging nabigkas ni Harajima sa sobrang pagkamangha sa ganda ni Dianne. “hello guys, natagalan ba kayo sa pag intay sa akin? Medyo may inasikaso pa kasi ako eh” pagbati ni Dianne. Agad naman itong inalalayan ni Harajima sa pag-upo. “uhm, Dianne, by the way, this is my cousin, Harajima” pagpapakilala ni Koji. “nice to meet you” tugon ni Dianne. Sobrang kinakabahan si Harajima sa mga sandaling iyon, di niya kasi akalain na makakadate niya ang babaeng pinapangarap niya. “buti pa eh, umorder na tayo, im sure gutom ka na dahil sa biyahe” suhestiyon ni Koji. ******sa bahay nila Martha****** Maagang nakauwi si Martha sa kanilang bahay, as usual ganun pa din ang kanyang nadatnan, magulo, at ang kanyang asawa na si Nestor na tila nakainom nanaman. “lintik talaga na buhay to!! Hoy!! Matapos ng eskandalong ginawa niyo ng hudas na baklang yon ay ganyan ka pa din? Batugan!! Hanggang ngayon wala pa din trabaho!! Peste talaga! Tapos nagagawa mo pang maglasing!! Di ka man lang maglinis o magluto dito sa bahay! ano ka na ba!!?” walang patid na pagbubunganga ni Martha sa asawa. Di nagtagal ay dumating na si Andrew at ilang saglit lang ay si Shiela galing sa eskwelahan. “oh hala, bilisan niyo at magbihis na kayo wag na kayong dumagdag pa sa init ng ulo ko mga bwiset!!” pagsalubong ni Martha sa mga anak. “siya nga pala, baka may pumunta dito bukas ha? Maglinis ka ng bahay Nestor at wag yan ang atupagin mo, kaya tayo minamalas! Ikaw na ang bahala sa kanila habang wala pa ako, asikasuhin mo ng mabuti yun at mukhang pagkakaperahan yun” pahabol ni Martha. Agad naman na nabuhayan si Nestor ng marinig ang salitang pagkakaperahan. “bakit sino ba yung mga yun? Kelangan ko pa bang maghanda ng banda na sasalubong sa kanila?” tugon ni Nestor. “yan dyan ka magaling pag sa pera! Eh kung kaya mo bang mag pa banda eh di sige!! ni pambili nga ng candy wala ka tapos may pa-banda ka pa dyan?! Bwiset na to, basta tungkol ata yun sa loans daw, mukha ngang di kapanipaniwala eh, para kasing p****k lang sa kanto yung kumausap sakin, pero sinubukan ko na din, mukhang mamahalin kasi yung mga suot eh, tsaka yung pabango, amoy victoria’s secret, eh di ba mahal yun?” mahabang salaysay ni Martha. “kala mo ikaw hindi mabilis sa pera, siguraduhin mo lang na di masasayang yung effort ko bukas ha” tugon ni Nestor. “Effort??? meron ka pa pala nun na bwiset ka!, o siya, maglinis ka na at magsaing kesa nagdadada ka dyan!” pagtatapos ni Martha ng usapan. ITUTULOY…….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD