***sa Oishi Restaurant****
“Raul? Napatawg ka? Ano? May balita ka na ba sa ate ko?” tugon ni Cecilia sa kabilang linya ng telepono habang tinitignan ang sales report ng kanyang restaurant.
“magandang balita po ang ihahatid ko sa inyo ma’am, may nakapagsabi na po kung saan sila matatagpuan” masayang balita ni Raul.
Labis naman na kagalakan at excitement ang pumalibot kay Cecilia, dahil sa wakas, sa loob ng labing limang taon ng kanyang paghahanap sa kanyang kambal na anak ay matutuldukan na.
“talaga Raul? (di mapigilang maluha) salamat, di na ako makapag antay na makapiling at Makita ang mga anak ko, ahm, kumpirmahin mo bukas ng maaga yung lugar tapos sabihin mo sa akin ang exact location at susunod agad ako, maliwanag?” tugon ni Cecilia kay Raul na talaga namang halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman.
“sige po ma’am, makakaasa kayo” tugon ni Raul.
Ngunit nagulat nalang si Cecilia ng biglang may kumatok sa kanyang opisina kaya dali dali itong nagpaalam sa kanyang kausap.
“hi hon! How are you? Teka anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?” pagbati ni Shiro matapos pumasok mula sa pinto.
Agad naman na inayos ni Cecilia ang kanyang sarili at talaga naman na nabigla siya sa pagdating ni Shiro.
“ah, eh, okay lang ako hon, napaaga ka ata ngayon?” tugon ni Cecilia at agad sinalubong ng halik si Shiro.
“Are you sure that you are okay? Well, maaga kong natapos ang mga paperworks ko kaya maaga akong nag out sa trabaho” tugon ni Shiro sabay lambing sa asawa.
Umisip nalang ng paraan si Cecilia para ma-divert ang kanilang usapan kaya di niya naiwasang banggitin ang tungkol sa pagdating ni Veronica.
“What?!! That woman came here?!” gulat na reaksyon ni Shiro.
“yes, and as usual, I think she will try to get you back again” tugon ni Cecilia habang inaayos ang mga sales report.
“don’t worry, I will take care of it, hinding hindi mangyayari yun, because I love you so much, buti pa eh, lets go out for a dinner date, come on, get your things” pag aya ni Shiro at agad naman na kinuha ni Cecilia ang kanyang mga gamit.
*************************
Maagang umalis si Martha sa kanilang bahay para magtinda sa palengke..
Habang si Nestor naman ay nasa kasarapan pa din ng tulog.
Simula ng pinalayas si Rylie ay si Shiela na ang naghahanda ng almusal para sa kanilang dalawa ng kanyang kuya Andrew bago pumasok sa paaralan.
Di nagtagal ay lumabas na si Andrew sa kanyang kwarto at dali-daling lumabas ng bahay para kausapin ang tumawag sa cellphone.
“naku pre, masamang balita, mukhang hindi tayo tuloy dito sa bahay, diyan nalang kaya sa inyo? May dadating kasing bisita sila inay eh” tugon ni Andrew sa kausap.
“sige, wala naman na tayong magagawa eh, ganitong sabik pa naman ako sa alak” tugon ng kanyang kaibigan na si Jonas.
“sige pre, maya na lang” pagtatapos ni Andrew sa usapan at agad itong dumiretso sa banyo.
Ang hindi niya alam ay minamatyagan siya ng kanyang kapatid na si Shiela, kaya walang patumpik tumpik ay tinawagan niya agad sina Rylie.
“hello kuya Rylie? Mukhang may nagbago sa plano nila, hindi na sila dito sa bahay mag iinuman, sa kaibigan na niyang si Jonas” pagbalita ni Shiela matapos sagutin ni Rylie ang cellphone.
*****sa bahay ng mga Matsuda******
Di pa din maialis ni Harajima ang magkahalong lungkot at saya sa nangyaring dinner date kasama si Dianne, nagtapat kasi ito ng kanyang nararamdaman para sa dalaga ngunit tila nabigo siya.
“I’m sorry pero, hindi pa ako handa sa mga ganyan eh, siguro mas makabubuti kung friends nalang tayo right?” nanumbalik sa kanyang isip na sinabi ni Dianne.
Sa pagkakaalala noon ay di niya mapigilan na mainis sa kanyang sarili. Napapa-isip tuloy siya kung alibi lang ba yon ni Dianne dahil may iba na itong napupusuan.
“hindi ako susuko Dianne, alam kong magagawa mo din akong mahalin” nasabi nalang ni Harajima sa kanyang sarili.
*************************
Sa palengke...
Habang abala ang lahat.
Nakadinig ng tsismis si Martha kung saan na ngayon tumutuloy si Rylie, kaya mabilis niyang kinausap si aling Tina na ina ni Amy patungkol dito.
“balita ko sa inyo na nakikituloy yung malanding bakla?” pag usisa ni Martha kay Tina habang abala sa paghihiwa ng isda.
“oo, kawawa naman kasi yung bata, lalo na dun sa mga ginawa mo” tugon ni Tina na patuloy pa din sa kanyang ginagawa.
“hay nako, kung ako sa iyo, eh mag iisip isip muna ako, grabe, nag patira ka ng isang malas sa bahay mo? Naku bukas makalawa eh magugulat ka nalang sa kakahinatnan ng pamilya mo” pagbabanta ni Martha.
Natigilan naman si Tina sa kanyang ginagawa at medyo napaisip.
“anu naman ang nais mong ipahiwatig? Bakit ba ganyan kung tratuhin mo si Rylie? Eh di ba kadugo mo naman iyon? Tsaka mabait naman yung bata at masipag pa” pagdepensa ni Tina.
“wala akong pakialam sa baklang yun, tsaka pwede ba, hindi kinakaawaan yung ganun, tignan mo nalang ang kamalasan dinala niya sa pamilya ko, sa anak ni Tessie na nasa hospital ngayon, baka bukas makalawa eh, sa inyo naman ni Amy? Bahala ka, desisyon mo yan, baka magsisi ka sa huli” pangungumbinse ni Martha.
Di naman nakatugon si Tina at labis na napa-isip lalo na para sa kapakanan ng kanyang anak na si Amy.
************************
Di nagtagal ay nagsimula na ang plano nila Rylie...
Pagkaalis palang ni Andrew ay sinundan na agad ito ni Shiela.
Samantalang sina Rylie naman ay sumunod na kasama si Jaime at isa pang pulis dala-dala ang warrant of arrest kina Jonas para maimbitahan sa pulisya.
Maingat na sinundan ni Shiela ang kanyang kuya hanggang sa matanaw na nila ang bahay nila Jonas, ilang saglit lang eh dumating na din sina Rylie at humahanap lang ng tiyempo sa kanilang gagawin.
Sinalubong ni Jonas ang kaibigan na si Andrew at agad itong pinatuloy sa kanilang bahay kung saan naghihintay ang kanilang barkada. Ngunit papasok palang sana sila ng biglang may kumatok sa gate.
“sige pre, mauna ka na dun sa likod para maumpisahan na ang tagay, titignan ko lang kung sino yung istorbo” sabi ni Jonas sa kaibigan sabay labas patungong gate.
Pagkalabas palang ay kinabahan na agad ito ng Makita ang isang pulis, pero hindi nalang ito nagpahalata.
“anu pong kailangan nila chief?” pagbati ni Jonas sa pulis.
“ako nga pala si officer RJ at ito naman ang partner kong si officer Jaime, pwede ka bang maimbitahan sa presinto? May warrant of arrest kami dito” pagbalita nila kay Jonas.
“po? Bakit po? Ano bang ginawa ko? Teka lang chief baka naman pwedeng pag usapan na ito dito?” kinakabahang tanggi ni Jonas.
Habang kinakausap si Jonas ng mga pulis ay di naman sadya na Makita ni Andrew ang nangyayari, sa pagkabigla ay umisip ng paraan si Andrew na huwag madamay sa gulo kaya minarapat niya na tumakas.
Agad na pumunta si Andrew sa likod ng bahay at walang patumpik tumpik na inakyat ang bakod at tinalon ito.
Subalit habang siya ay patakas, di niya naiwasang maaninag ang kanyang kapatid na si Shiela kasama sina Rylie, amy at yung dalawang pulis.
“lintik!! Di talaga ako titigilan ng baklang yon! Peste! at dinamay pa ang kapatid ko, ano kayang ginagawa nila” pagtataka ni Andrew at dali-daling tumakbo.
Habang tumakas na si Andrew ng walang nakakaalam, hinalughog naman ng pulis ang bahay at nakita ang iba nilang barkada na walang kaalam alam sa nangyayari at talagang gulat na gulat.
Di rin nila naitago ang mga bawal na gamot na nakalatag sa lamesa kasama ng mga alak.
“tignan mo nga naman oh, nag hahappy happy pala kayo dito, malas niyo lang at mukhang madadagdagan pa ang kakaharapin niyong kaso” saad ni officer RJ matapos kumpiskahin ang mga droga.
Agad naman pinosasan ni Jaime ang apat na lalaki pero bigla nalang siyang nagtaka ng hindi niya mahanap ang isa pa.
“teka, kayo lang ba ang nandito” tanong ni Jaime ng mapansin na wala si Andrew.
Hinalughog naman ng mabuti ang lugar ngunit walang bakas ni Andrew, kaya naman minabuti muna ng dalawang pulis na dalhin sa presinto ang mga lalaki na labis na nagmamakaawa sa kanila.
“naisahan ako ng andrew na iyon ah, tinakasan kami” sa isip-isip ni Jonas habang isinasakay sa patrol car.
Agad naman ibinalita ni Jaime kina Rylie at Amy na nag aantay sa labas, ang pagkawala ni Andrew.
“nako girl, mukhang nakatunog ang loko, naku papa Jaime, im sure na bumalik na iyon ng bahay nila” suhestiyon ni Amy.
“sige, imbitahan nalang natin siya sa presinto, RJ, ikaw na muna bahala sa mga yan, nagtawag na ako ng back-up” utos ni Jaime at agad na silang sumakay ng patrol car para puntahan si Andrew.
******************************
Sa bahay nila Martha...
Gaya ng utos ni Martha ay nag linis si Nestor ng kanilang bahay para sa dadating na panauhin lalo na’t pagkakaperahan ito.
Kaya naman ganadong Ganado si Nestor.
Di nagtagal ay may tumawag mula sa kanilang gate na agad namang sinalubong ni Nestor.
Pagkakita palang ni Nestor sa panauhin eh, gulat na gulat siya sa sobrang sexy ng kanyang panauhin at talaga naman halos lalabas na ang kaluluwa nito.
“uhm, hello miss, ano po ang sadya nila?” masiglang pagbati ni Nestor na napasulyap agad sa dibdib ni Precious.
“hi, ako nga pala yung sa loan, siguro nabanggit na ako ng asawa mo?” tugon ni Precious sabay ayos sa kanyang maumbok na dibdib.
Tila naman natakam si Nestor sa tanawin na kanyang nakita kaya agad niya itong pinapasoksa kanilang bahay.
Pagkapasok sa bahay ay agad pinaghanda ni Nestor ang kanyang bisita ng makakain at talaga naman na napaka hospitable ng kanyang ginagawa, pero labis talaga siyang natatakam sa bundok na tanawin kay Precious.
“salamat, nag abala ka pa, hmm, teka, bakit parang kinakabahan ka?” sabi ni Precious sabay ayos nanaman ng kanyang dibdib na tila gusto ng kumawala sa kanyang suot.
“ah, eh, wala naman, sige kain ka lang, masarap yan… sing sarap ko” tugon ni Nestor na talaga naman na napapalunok pa at halos di na makapagpigil sa kanyang nakikita.
“ano yon? Di ko narinig eh, pero siguro masarap nga ito lalo na kung hotdog nalang ang ipapakain mo sa akin” pang uudyok ni Precious.
Halos hindi na makatiis si Nestor at tila gusto na niyang sunggaban ang pagkain na nakahain sa kanya.
Ngunit talagang nilalabas ni Precious ang kanyang alindog kaya wala nang nagawa pa si Nestor kundi sunggaban ito.
“Teka! Aahhh, anung ginagawa mo!” pagkagulat ni Precious sa pagsunggab sa kanya habang nilalayo si Nestor.
Ngunit parang wala na itong narinig at patuloy lang sa ginagawang pagsibasib kay precious.
Pilit na pumalag si Precious.
Pero ilang saglit lang ay may naramdaman si Nestor na matigas na bagay na tumutok sa kanyang likuran.
“t-t-teka, anu yun? Wag mong sabihin na… bakla ka?” pagkagulat ni Nestor ng maramdaman ang matigas na bagay mula kay Precious.
“agad naman itong sinipa ni Precious palayo sa kanya.
“hoy!! Ang kapal naman ng mukha mong pagsalitaan ako ng ganyan! Certified na babae ako noh! (sabay kuha ng baril at tinutok kay nestor) tumayo ka na dyan bilis! Honey!!! Pasok ka na!!” pagtataray ni Precious sabay tawag kay ramon.
“kamusta ka na, di ko akalaing mamanyakin mo ang Honey ko, di mo ba alam na ako lang ang may karapatan diyan?" pagbati ni Ramon pagkapasok palang ng bahay.
Gulat na gulat naman si Nestor sa taong hindi niya inaasahan pang Makita. “R-Ramon? K-kelan ka pa nakalaya?”
Agad naman nilapitan ito ni Ramon at tinutukan ng baril.
“bakit? Inaasahan mo ba na sa kulungan na ako mamamatay? Wag ganun Nestor, baka gusto mo munang kumustahin ang alaga ko?” pagtukoy ni Ramon sa kanyang hawak na baril.
“a-a-nu bang sadya mo dito Ramon?” kinakabahang tugon ni Nestor habang pinipilit na inilalayo ang mukh niya sa baril na nakatutok sa kanya.
“alam kong alam mo kung ano ang sadya ko, nasaan na ang magaling mong asawa?” tanong ni Ramon habang idinidiin ng labis ang baril kay Nestor.
“w-wala pa siya nasa palengke” tugon ni Nestor na labis pa din ang pagkakaba.
Ngunit tila sinasadya ng panahon at agad naman na dumating si Martha.
Pagkapasok palang ay gulat na gulat ito sa nangyayari.
“teka! Anung ibig sabihin nito? Ramon?!” panlalaki ng mata ni Martha ng makita sa kung sino ang kanilang bisita.
“hello Martha, nice to see you again, kamusta na ang tiga pag alaga ng mga anak ko?”pagbati ni Ramon.
“Ramon? Kasi….” Si Martha na naputol ang sasabihin ng biglang dumating si Andrew.
“itay? Inay? Anung nangyayari?” pagkagulat ni Andrew habol habol ang hininga matapos ang kanyang pagtakas.
“inuulit ko Martha!! Nasaan ang mga anak ko!!!!” pagbanta ni Ramon at naghanda sa pagkalabit ng gantilyo.
Na alarma naman si Martha kaya wala na siyang nagawa kundi ipresinta si Andrew.
“Eto ang anak mo Ramon! Si Andrew!! Please pakawalan mo na ang asawa ko!” maluha luhang sambit ni Martha.
*******************
Sa hospital kung nasaan si steven...
Abala si Tessie sa taong kausap nito sa telepono.
“salamat Officer, gawin niyo ang makakaya niyo para mabulok sa bilangguan yang mga yan sa ginawa nila sa anak ko” si Tessie.
“sa ngayon po ay papunta na kami sa lokasyon ng taong sinasabi na nag utos ng pakana na iyon, wag kayong mag alala ma’am, mabibigyan na po ng hustisya ang anak ninyo” tugon ng officer na boses ni Jaime.
“sige, maraming salamat sa tulong” pagtatapos ni Tessie sa usapan.
Labis na kasiyahan ang pumalibot kay Tessie dahil sa wakas ay nahuli na ang mga suspect.
Agad niyang nilapitan si Steven at hinaplos ang buhok nito.
“kung hindi lang sana nagloko ang tatay mo, hindi hahantong sa ganito ang lahat” sambit ni Tessie habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata.
Ngunit nagulat nalang siya ng biglang gumalaw ang mga kamay ni Steven, at dahan dahan itong nagmulat ng kanyang mata.
Sa wakas at nagkamalay na si Steven.
“n-n-nay? A-a-anong n-n-nangyari?”
ITUTULOY…….