Kinaumagahan pa lang ay agad na pinuntahan ni Steven si Amy para sa magandang balita at para na din na maaya niya ito sa paghahanap kay Rylie habang hindi pa siya mag-uumpisa para magtrabaho.
“magandang balita yan, pero bakit sa maynila pa? sure ba na magiging okay lang yung titirhan mo doon? Ang dami naman na pwedeng mapasukan bakit lalayo ka pa” pambungad ni Amy na kahit papaano ay nakadama ng lungkot.
“pero Amy, magbabakasakali na din ako na baka matagpuan ko doon si Rylie, malay mo ay napadpad na siya doon, di imposibleng mangyari yon, tsaka balita ko mas malakas ang kikitain ko doon” tugon ni Steven.
“hay nako Steven, kahit na malakas ang kikitain mo doon, malay mo may nagbabadyang panganib doon, malaki at malawak ang maynila ano ka ba” si Amy.
“bayaan mo na Amy, ang importante, mahanap natin si Rylie, eh di kung hindi ko nagustuhan doon ay babalik na lang ako at hahanap ng ibang trabaho, ano padating na ba si Jaime? Di ba sabi niya tutulungan niya tayong maghanap kay Rylie?” si Steven.
“padating na yun, may inasikaso lang siya sa presinto kaya siguro natagalan” tugon ni Amy.
“basta ipagpatuloy niyo pa din ang paghanap kay Rylie kahit wala ako huh, tapos balitaan mo na lang ako” dagdag ni Steven.
Agad naman na dumating si Jaime sakay ng kanyang patrol car, kaya naman hindi na nag aksaya ng panahon sina Steven para masimulan na ang paghahanap kay Rylie.
Habang binabaybay ang mga kalasada ay sinamantala na din ni Jaime ang pagbalita tungkol kay Andrew.
“may masamang balita nga pala ako, may nagpiyansa kay Andrew, at mukhang magiging mahina na ang tiyansa para makulong pa siya. Mukhang malakas ang kapit niya eh” paliwanag ni Jaime.
“what?!! Naku sayang lang pala ang mga pinagagawa natin? Eh di ba tetestigo naman si Shiela, at saka, ininterrogate niyo na si Jonas? Ano pa ang magiging laban ng Andrew na iyon?” si Amy na labis na ikinataas ng kanyang kilay.
“ayun na nga ang problema eh, biglang nag-iba ang sinasabi ni Shiela, ang idinidiin lang niya ay yung Jonas at sinet-up lang daw ang kanyang kuya, tsaka mukhang mayaman talaga yung tumutulong kay Andrew eh” tugon ni Jaime habang patuloy pa din sa pagmamaneho.
“grabe naman yun, hay nako, Steven, ano nang gagawin natin?” si Amy na talaga namang naging problemado.
“mas mabuti pa sigurong hayaan na natin, at least nakulong yung mga humarang sa amin, di na dapat pinag aaksayahan pa ng panahon yung ganoong tao, ang importante sa ngayon ay ang mahanap natin si Rylie, biruin mo ilang araw na din ng umalis siya, baka gutom na yun at kung saan saan na siya napapadpad” si Steven na talagang maiging nakatuon sa bawat nadadaanan nila nagbabakasakaling mahanap si Rylie.
“tama ka diyan pre, mukhang napakahalaga sa iyo ni Rylie ah” pagpuna ni Jaime.
“matagal ko na din kasing naging kaibigan si Rylie, kaya naging mahalaga na din siya sa buhay ko” maigsing tugon ni Steven kalakip ang malalim na buntong hininga.
“di bale mahahanap din natin siya, wag kang mag-alala” pagtatapos ni Jaime sa usapan at agad nilang itinuon ang kanilang mga mata sa mga nadadaanan nila.
******************************
Sa bahay ng mga Matsuda di pa din mapakali si Cecilia na makasagap ng magandang balita tungkol kay Raul at di naman nagtagal ay tumawag na agad ito.
“Raul? Ano? May balita ka na ba?” si Cecilia na di makapag intay sa tugon ni Raul.
“ma’am, hanggang ngayon po kasi ni isa sa mga nakatira doon ay hindi pa umuuwi, pero wag kayong mag-alala, di pa din po ako titigil sa paghahanap” tugon ni raul.
“salamat, maaasahan ka talaga, balitaan mo ako kaagad ha?” pagtatapos ni Cecilia sa usapan.
Sakto naman ay may kumatok sa pintuan at agad niya itong pinagbuksan.
“mama, kayo po pala” pagkagulat ni Cecilia ng Makita si madam Yumi.
“oh, bakit mukhang tense ka, di ka ba natutuwang Makita ako?” pagbati ni madam Yumi at sinipat sipat ang silid.
“pasensya na po, di naman po sa ganoon, medyo madami lang po kasi akong inaasikaso lately, may kailangan po ba kayo?” magalang na tugon ni Cecilia.
“wala naman, I’m just checking, hindi ba napakasarap namnamin ang isang mansion na kagaya nito? Di mo ba naiisip na napakaswerte mo na makatungtong sa pamamahay na ito? very nice isn’t it? A w***e who climbs up from poverty, such a nice story” si Yumi na tinignan si Cecilia mula ulo hanggang paa.
“a-a-ano po bang ibig niyong sabihin?” si Cecilia na pilit iniinda ang mga sinasabi ni madam Yumi.
“come on Cecilia, sa mundong ito hindi ka mabubuhay ng walang pera, biruin mo, kung hindi ka naiahon ni Shiro sa putikan eh matagal ka nang lumubog sa kumunoy na kinalalagyan mo, but luckily, nagawa mo naman kumapit sa patalim at nakaahon ka naman sa pamamagitan ng anak ko” si Yumi na tila di na nagugustuhan ni Cecilia ang sinasabi nito.
“mama, hindi ko po maintindihan ang ibig niyong sabihin” pagkalma ni Cecilia sa kanyang sarili.
“because you never will, sabihin mo Cecilia, sino ka nga bang talaga? Mahirap na baka nagpatira pala kami dito sa bahay ng isang chameleon, na napakabilis magbalatkayo, baka bukas makalawa eh, magulat nalang kami na iba na pala ang anyo mo” si yumi sabay tingin ng matalim kay Cecilia.
Labis naman ang kabang nadarama niya kaya agad na umisip si Cecilia ng paraan para makaalis.
“di ko po maintindihan ang ibig niyong sabihin, pasensya na po pero may kailangan pa akong gawin” si Cecilia at nagmamadaling kinuha ang kanyang mga gamit.
Ngunit bago pa siya makalabas ng pinto ay may pahabol muna sa kanya si madam Yumi.
“be careful Cecilia, namnamin mo na lahat ng karangyaan at kayamanan, dahil baka mawala na ito sayo, always remember a chameleon is also considered as a prey in the jungle world” pagbabanta ni Yumi at agad nang nilisan ni Cecilia ang lugar na iyon.
**sa mansyon ng mga Dela Merced*
Maagang gumising si Rylie para kahit papaano ay makatulong sa gawaing bahay bilang pasasalamat na din dahil sa pagpapatira sa kanya dito.
Agad siyang naghanda ng almusal at talaga naman sinarapan niya ito kahit pa medyo masakit pa ang kanyang kabilang siko ay ininda niya na lamang ito.
Agad naman na bumaba si Brix sa kanyang kwarto para na din maghanda sa pagpasok.
“wow, manang ang bango naman po ng niluto niyo, mukhang espesyal ah” pambungad ni Brix sa pag-aakalang ang katulong ang nagluluto.
“Good morning po sir Brix, kain na po kayo” pagbati ni Rylie at agad pinag Hainan si Brix.
“ikaw pala ang nagluto? Nasaan si manang? Okay ka na ba? Baka mamaya ay mabigla ka niyan” tugon ni Brix at agad na naupo.
“okay lang po, tsaka kaya ko naman po, para na din makatulong agad ako sa mga gawain dito, maraming salamat po talaga sa pag magandang loob niyo sa akin, di bale, makakaasa po kayo sa akin at hindi ko po kayo bibiguin” si Rylie sabay abot ng pagkain kay Brix.
“ikaw talaga, wala yun, tsaka kamuntikan na din kitang mabangga ano, para dispensa na din, siya nga pala, tamang tama, pwede bang ikaw nalang ang sumama sa kapatid ko mamaya? May aasikasuhin kasi ako eh” si Brix na agad sinimulan ang pagkain, hindi naman maalis sa paningin ni Brix ang mukha ni Rylie na para bang may kamukha ito.
“sige po sir, anong oras po ba para makapaghanda po ako” tugon ni Rylie habang inaayos ang mga pinaglutuan niya.
“wag kang mag-alala, maya maya pa yun, humihilik pa nga yung sasamahan mo eh, hehe, galing mo pala magluto, tamang tama lang ang timpla” si Brix na di mapigilan ang pagkain sa sarap.
“salamat po sir” maigsing tugon ni Rylie at nangingiti nalang siya dahil talagang naging ganadong kumain si Brix.
*****************************
Nabigo sa paghahanap sina Steven kay Rylie, ngunit hindi pa din sila susuko.
Hanggang sa Dumating na ang araw ng pagpunta ni Steven sa maynila para magtrabaho sa isang bar at talaga naman na di mapigilan ni aling Tessie na maluha.
“bakit ba kasi kailangan mo pang lumayo eh, Steven, wag mo nang ituloy yan plano mo, pwede ka pa naman na mag-back out” si Tessie na talagang naiiyak.
“inay, kelangan kong gawin ito, at saka handa na ang lahat, di bale, pag natanggap ko na ang sweldo ko ay papadalhan ko agad kayo, wag na kayong umiyak” pagpapakalma ni Steven sa kanyang ina.
“basta mag-iingat ka doon ha? Pag di mo kaya bumalik ka na agad dito, tsaka wag kang magpapaloko dun, madaming sira-ulo dun” habilin ni Tessie sa anak na talaga naman na todo sa yakap at pag-iyak.
“sige na inay, kailangan ko nang umalis, baka gabihin pa ako at maiwanan pa ako ng susundo sa akin” si Steven.
Wala nang nagawa si Steven kundi ang umalis, di man siya sigurado sa landas na kanyang tatahakin ay naglakas loob pa din siyang tumuloy.
Ilang oras din ang kanyang naging biyahe bago makarating sa maynila at doon ay nakita niya ang nag aabang na sasakyan para dalhin sila sa tutuluyan nila.
Natuwa naman siya dahil may makakasama siyang baguhan din.
Lulan ng sasakyan ay tahimik nilang binabaybay ang makulay na lungsod ng maynila, di man sila tiyak sa tutuluyan ay tinatagan niya pa din ang kanyang kalooban.
Di nagtagal ay huminto sila sa isang bahay na parang dormitory pero para sa mga lalaki lamang, malamang ang dormitoryong iyon ay pag-aari ng papasukan niyang bar.
Di na sila nag aksaya ng oras at inihatid na sila sa kanilang magiging kwarto, malaki naman ang dormitory na iyon na binubuo ng tatlong palapag, at may sampung kwarto, yun nga lang kahit sari sarili silang kwarto ay hindi naman iyon gaanong kalakihan.
“okay, sa mga bagong dating magpahinga na muna kayo para may lakas kayo bukas, at sa mga nandito pa, Aba! Anong ginagawa niyo magsikilos na kayo, anong petsa na!” pagbati ng isang matabang lalaki na hindi mo aakalain na bakla pala.
Agad na nag-ayos ang ibang mga lalaki na tila doon din sa bar nagtratrabaho habang si Steven naman at ang isa pang baguhan na makakasama niya ay pumunta na sa kani-kanilang kwarto para makapag-ayos ng kanilang gamit at makapag pahinga.
***************************
Lulan naman ng kotse ay tinatahak nila Dianne at Rylie ang kalawakan ng Maynila, sari-saring makukulay na buildings ang kanilang nadadaanan at talaga naman buhay na buhay ito kahit madilim na.
Kaya di mapigilan ang pagkamangha ni Rylie sa kanyang nakikita.
“ang ganda naman dito, saan po tayo pupunta ma’am Dianne?” pagkamanghang tanong ni Rylie.
“masyado ka naman pormal, Dianne na lang ano, ikaw talaga, nandito tayo ngayon sa maynila, pupunta tayo sa isang hotel para sa photo shoot na ineendorse ko” tugon ni Dianne habang naaaliw siya sa pagkamangha ni Rylie.
“pasensya na, ngayon lang kasi ako nakapunta dito eh, pero ma’am, este Dianne, ibig sabihin po eh Artista kayo?” pagkagulat ni Rylie.
“hindi pa naman, minsan lang ako lumalabas sa telebisyon, isa akong modelo sa ngayon, pero siyempre dadahan dahanin ko ang pagpasok sa showbiz, pati nga ang kuya Brix ko ay isa din modelo, ang kinaibahan lang, lumabas na siya sa isang pelikula dati” paliwanag ni Dianne.
“wow, swerte ko pala na makilala kayo, biruin niyo sikat po pala kayo”
“ikaw talaga, alam mo pwede ka din naman maging modelo eh, may hitsura ka naman at okay din ang pangangatwan mo, siguro kaunting ayos lang okay ka na” pagsiyasat ni Dianne kay Rylie.
“naku, hindi ako masyadong sanay sa ganoon eh, okay na muna sa akin na manilbihan sa inyo at saka yung pasama sama po sa mga photo shoot niyo” pagkahiya ni Rylie.
Ngiti lang ang naitugon ni Dianne, parang biglang may tumakbo sa isip ni Dianne ng mapagmasdan ang mukha ni Rylie.
Di nagtagal at dumating na sila Dianne sa venue ng photo shoot at talaga naman na inalalayan ni Rylie si Dianne sa mga kailangan nitong gawin.
Hangang hanga si rylie sa bawat project at pose na ginagawa ni Dianne, di tuloy maiwasan na sumagi sa kanyang isip na napakaswerte ng buhay ni Dianne.
Kumpara sa kanya na pinagkaitan at itinakwil ng landas. Ni hindi nga niya alam kung ano ang kahihinatnan ng kanyang buhay, di tuloy maiwasan na manumbalik ang mga mapapait na ala-ala sa kanya.
“kamusta na kaya si Steven?” nasambit ni rylie sa sarili habang inaaninag ang liwanag ng buwan.
**********************************
Samantala...
Di naman makatulog si Steven kaya lumabas muna ito sa terrace para mag-isip, naupo ito sa gilid at pinagmasdan ang liwanag ng buwan.
Tulad ni Rylie ay hindi din niya alam ang patutunguhan ng kanyang buhay sa maynila, ni hindi nga niya alam kung tama ba ang kanyang naging desisyon.
Basta ang kailangan niyang gawin ay makalikom ng pera at mahanap si Rylie.
“nasaan ka na ba Rylie?” nasambit ni Steven sa sarili habang inaaninag ang liwanag ng buwan.
“pre, di ka din ba makatulog?” pagbati ng lalaking kasama niya na baguhan din sabay abot ng isang bote ng beer.
“salamat pre, (sabay tanggap sa beer) oo eh, medyo madami lang iniisip, at saka kinakabahan din para sa trabaho natin” tugon ni Steven sabay inom ng beer.
“parehas lang pala tayo, ako din eh, first time kong makatungtong dito sa maynila, ang laki at ang ganda pala kumpara sa probinsya namin, ang kaibahan lang sariwa ang hangin doon at hindi gaanong maingay” saad ng lalaki.
“sana maging maayos yung trabaho natin bukas, tingin mo, ano kayang klaseng bar yun?” si Steven sabay inom muli sa hawak na beer.
“siguro yung typical na bar lang tulad ng napapanood ko sa t.v. tingin ko malaki ang kikitain natin doon kasi may mga tip minsan” tugon ng lalaki.
“sana nga, para makapag-ipon din” naitugon nalang ni Steven.
“teka pre, mukhang may pinaglalaanan ka ah, pamilyado ka na ba?” takang tanong ng lalaki.
“hindi pa, wala nga akong girlfriend eh” tugon ni Steven.
“ah, daig mo pa kasi ang pamilyadong tao na tulad ko sa bigat ng problema mo eh, ikaw talaga masyado kang seryoso sa buhay, malay mo dito ka makahanap ng magiging girlfriend mo” tugon ng lalaki.
“nako, wala pa sa isip ko yan, tsaka…… may espesyal na tao na sa buhay ko” si Steven ng biglang may naisip na tao.
“yun naman pala eh, naks, kaya pala inspired, naku buti pa ay magpahinga na tayo, madami pa tayong gagawin bukas” suhestiyon ng lalaki pagkaubos ng iniinom nito.
Agad na sumang ayon si Steven at agad na silang pumasok sa kani-kanilang silid.
************************************
Sa mansion nila Ramon, sabay sabay na kumain ang lahat at talaga naman na nagpahanda ito ng marami para na din magdiwang sa pagkakahanap niya kay Andrew.
“para sa anak kong si Andrew!” si Ramon na itinaas ang isang wine glass.
CHEERS!!!!
“wow, ang sarap naman ng mga ito Ramon, mukhang napakamamahalin ng mga pagkain na ito” si Martha na walang awat sa pagkain, ngayon lang kasi ito nakakain ng ganoong putahe.
“sige lang kumain ka lang Martha, para may lakas ka sa pagbawi ng isa ko pang anak” si Ramon na muling ipinaalala ang dapat gawin ni Martha.
Hindi naman nakatugon pa si Martha at parang nanliit siya sa itinugon ni Ramon.
“nga pala Andrew, may pupuntahan tayo bukas, mamimili tayo, tapos may dadaanan din tayo” si Ramon.
“sige po tay, saan po yun?” si Andrew habang abala din sa pagkain ng masasarap.
“well, hindi naman sa hindi ako nagtitiwala, pero gusto ko lang makasiguro na ikaw ang anak ko” saad ni Ramon na ikinabahala ni Andrew.
Tila naman muntikan na mabilaukan si Martha at dali-dali itong uminom ng tubig para hindi siya mahalata. Agad din na kinabahan si Andrew sa gustong ipahiwatig ni Ramon.
“sige po itay” ang tanging naitugon ni Andrew at tumingin ng makahulugan sa kanyang ina.
Pagkatapos ng kainan ay agad nagpaalam si Andrew kay Ramon at agad itong dumiretso sa kanyang kwarto, di naman nagtagal at sinundan agad ito ni Martha na punong puno ng kaba.
“o inay? Si Shiela?” si Andrew habang naghahanap ng istasyon sa telebisyon.
“ayun, nasa kwarto na, teka, kinakabahan ako, paano nalang pag nabuko tayo ni Ramon, tiyak, sabog ang ulo nating lahat” si Martha na hindi mapakali.
“inay, umisip ka ng paraan, ngayon palang ako nag eenjoy sa ginhawang ito tapos mawawala na”
“eh teka, ipapa-DNA test ka ni Ramon di ba? Wag kang mag-aalala anak, iisip tayo ng paraan, basta sundin mo lang ang sasabihin ko ha?” si Martha na may nabubuong plano sa kanyang isip.
ITUTULOY……..