Nagmamadali na nilisan ni Amy ang kanilang bahay para puntahan si Steven sa hospital, di niya kasi malaman ang kanyang gagawin dahil sa biglaan na pag-alis ni Rylie.
Sakto naman na habang siya ay nagmamadali sa paglalakad ay namataan siya ni Jaime kaya agad siyang kinamusta nito.
“Amy? Mukhang nagmamadali ka ah, saan ba ang punta mo?” Si Jaime na inihinto ang kotse nito sa tapat ni Amy.
“naku buti nalang papa Jaime at dumating ka, pupuntahan ko kasi si Steven sa hospital eh, pwede mo ba akong ihatid doon?” tugon ni Amy sabay pa-cute nanaman para kay Jaime.
“tamang tama, doon din kasi ang punta ko eh, mabuti pa ngang sumabay ka na sa akin, sakay na” masayang tugon ni Jaime sabay bukas ng pinto ng kanyang patrol car.
Dali-dali naman na sumakay si Amy para mas mapabilis ang pagpunta niya sa hospital kesa naman mamasahe pa siya dagdag gastos lang, buti pa kay Jaime, may libreng sakay na siya, may bonus pang fafa.
“teka, bakit hindi mo nga pala kasama si Rylie?” pag-usisa ni Jaime.
“ayun na nga ang problema eh, umalis si Rylie, tanging sulat lang ang iniwan niya sa akin, nag-aalala tuloy ako kasi baka kung napaano na iyon” pagsalaysay ni Amy.
“ganun ba, masamang balita nga iyan, di bale, tutulungan naman kita sa paghahanap sa kaibigan mo eh” suhestiyon ni Jaime.
"Talaga papa Jaime? Touch naman ako, pero sa ngayon kailangan ko munang ibalita ito kay Steven, kaya let’s go! Full speed ahead!!” si Amy at agad ng pinaandar ni Jaime ang kotse.
*************************
Dahan dahan na iminulat ni Rylie ang kanyang mga mata, kahit pa may nararamdaman siyang p*******t sa ibang bahagi ng kanyang katawan.
Dahan dahan niyang sinipat ang kanyang paligid at nagulat nalang siya sa babaeng nakita niya na tila inaantay siyang magkamalay.
“buti naman at nagkamalay ka na, kamusta ang pakiramdam mo? Buti na lang talaga at hinimatay ka lang, at mas mabuti nalang at mabilis magpreno ang kuya ko, akala ko talaga ay mababangga ka namin eh” pagbati ni Dianne.
“nasaan po ako? Pasesnsya na po sa abala ha? Hindi din po kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh” tugon ni Rylie at marahang ginalaw ang kanyang katawan at bigla nalang kumirot sa may bandang siko nito.
“naku buti pa ay sumandal ka nalang muna, medyo na-fracture yung sa may bandang siko mo eh, dahil siguro dun sa pagkakabagsak mo, di bale, siguro ay ilang araw lang at okay na yan, nandito ka pala sa bahay namin sa may guest room, dito ka na namin dinala ni kuya, kasi hindi naman malubha ang kalagayan mo, by the way, ako nga pala si Dianne” paliwanag nito.
“salamat po talaga, ako nga po pala si Rylie, kinagagalak ko po kayong makilala” tugon ni Rylie at agad itong nakipagkamay.
“sus! Ikaw naman, masyado kang magalang, magkasing edad nga lang ata tayo eh, ilang taon ka na ba?” si Dianne na natatawa nalang.
“seventeen po” tugon ni Rylie.
“o kitams, same age lang pala tayo eh, kaya kahit wag mo na ako gamitan ng ‘po’ ikaw talaga, siya nga pala, mamaya ipapakilala kita sa kuya ko, may inaasikaso pa kasi siya eh, uhm, saan ka ba nakatira? Or may pupuntahan ka ba that time? Sabihin mo lang para maihatid ka namin” pagmamagandang loob ni Dianne.
“sa totoo lang kasi, wala na akong ibang mapupuntahan pa, kung sakali nga eh baka palaboy laboy ako ngayon sa kalsada at walang katiyakan kung saan papunta” tugon ni Rylie habang unti-unting namumuo ang kanyang mga luha.
Agad naman na nakaramdam ng awa si Dianne at bigla niya itong niyakap.
Aminin man niya o hindi, kahit sa unang pagkakataon palang niyang nakita si Rylie ay magaan na agad ang loob niya dito.
“that’s okay, don’t cry, kung wala ka naman ng iba pang mapupuntahan pa, pwede ka naman dito eh, tsaka pagbawi na din namin sa iyo dahil sa kamuntikan ka na naming mabangga” pagpapalakas ni Dianne ng loob ni Rylie.
“talaga po? maraming Salamat po, kahit mamasukan nalang po ako dito, marunong po ako sa mga gawaing bahay” masayang tugon ni Rylie.
“ayan ka nanaman, hahaha, Dianne nalang at kahit wala nang ‘po’, okay lang yun, basta pahinga ka nalang muna then kakausapin ko nalang si kuya about this okay?” pagtatapos ni Dianne sa kanilang usapan at inalalayan nito si Rylie sa paghiga.
**********************************
Sa presinto ay agad naman na inasikaso ni Ramon ang pagpyansa kay Andrew sa tulong ni atty. Salazar. Habang inaasikaso ang ibang dokumento ay agad na kinausap ni Martha si Shiela tungkol sa pangyayari.
“hoy ikaw bata ka! Magsabi ka nga sa akin! Ano ba talaga ang nangyari?” pagkumpronta ni Martha sa anak nito.
“inay….... Kasi…… nalaman ko po na si kuya Andrew ang may pakana sa nangyari kina kuya Rylie at steven, dinig na dinig ko yung inutos niya” paliwanag ni Shiela.
Di makapaniwala si Martha sa kanyang nadinig, di niya akalain na magagawa yun ng kanyang anak.
“sigurado ka ba sa sinasabi mong yan? Masamang nagsisinungaling, kuya mo si Andrew, kadugo mo, bakit mo pinagbibintangan ng basta basta?” di makapaniwalang tugon ni Martha.
“pero inay, dinig na dinig ko talaga, kawawa naman sina kuya Rylie sa nangyari sa kanila” paninindigan ni Shiela sa kanyang sinabi.
“kahit na! nahihibang ka na ba? Mas maaatim mong makitang nakakulong ang kuya mo? Nag-iisip ka ba? Ang mabuti pang gawin mo ay bawiin mo ang pag aakusa mo sa kuya mo, ang dapat na idiin mo ay yung mga humarang dun sa baklang iyon at yung sumaksak kay steven, kailangan natin ang kuya mo lalo na ngayon” si Martha.
“pero inay..” si shiela na di makapaniwala na parang balewala lang sa kanyang inay ang nagawa ng kanyang kuya Andrew.
“wala nang pero pero! Mamili ka, yung pesteng malas na Rylie na yun, o kaming pamilya mo? Shiela, kelangan natin ang kuya mo para sa plano ko, kung hindi ko maisasaayos ito, matinding kapahamakan ang nag-iintay sa pamilya natin” babala ni Martha.
Labis na napaisip si Shiela kung ano ang nararapat niyang gawin at isa pang gumugulo sa kanyang isip ay ang plano ng kanyang ina na maaari nilang ikapahamak.
****************************
Pagkadating palang nila Amy sa hospital ay humarurot agad ito kasunod si Jaime papunta sa kung nasaan si Steven.
Labis naman na natuwa si Steven sa pagdalaw ni Amy, ilang araw na din kasi itong nakakulong lang sa hospital kaya super bored na ang kanyang pakiramdam.
“Amy? Buti naman napadalaw ka, kamusta ka na? teka, hindi mo ba kasamang dumalaw si Rylie?” pagbati ni Steven na bigla nalang nakadama ng lungkot ng maaninag na wala si Rylie.
“okay lang naman ako, eto maganda pa din, nandito ba si aling Tessie? Siya nga pala, eto si papa Jaime, ang future boyfriend ko, gwapo di ba? Siya din yung tumulong sa amin ni Rylie sa paghahanap sa mga suspek sa gumawa sa inyo niyan” pagtukoy ni Amy sa natamong saksak ni Steven.
Agad na kinamayan ni Jaime si Steven at nag paalam muna ito na lalabas saglit.
“may binili lang si inay, nahuli na yung suspect? Eh sino naman yung mga yun?” si Steven na umayos sa pagkakaupo nito.
“sino pa? edi sina Andrew and friends, napakademonyo talaga nung bwiset na yun, yung Andrew na yun ang mastermind, pero don’t worry kasi mabubulok na sa bilangguan yung mga yun" paniniguro ni Amy.
“napakasama talaga ng hudas na yun, dapat noon palang pinudpod ko na ng suntok yun eh, dapat lang talaga na mabulok siya sa bilangguan, pero teka, hindi mo pa nasasagot yung tanong ko, nasaan si Rylie” pag aalala ni Steven.
“ay, oo nga pala, naku isa din iyon sa dahilan kung bakit ako super nagmamadali na pumunta dito, napakahabang kwento, ganito kasi iyon eh…”
(Pagsasalaysay ni Amy)
Sinalaysay ni Amy ang buong pangyayari matapos ang nangyaring masama sa kanila ni Rylie, simula noong ginawa ni Nestor, ang pagpapalayas ni Martha, ang pagpapalayo ni aling Tessie, ang pagiging detective nila, hanggang sa pag-alis ni Rylie na bigla nalang nawala ito na parang bula.
Sa pagkakadinig noon ay nakaramdam ng awa si Steven para kay Rylie, hindi niya mapigilang maluha sa sinapit nito.
Pakiramdam niya eh naiwang mag-isa si Rylie, walang tao na masandalan at malapitan, ni taong magtatanggol dito ay wala siyempre maliban kay Amy.
“kung nandoon lang sana ako sa tabi niya, kung may nagawa lang sana ako, tiyak kong sobrang bigat ng dinadalang problema ngayon ni Rylie, wala na siyang mapupuntahan pang iba, wala ba siyang sinabi kung saan siya pupunta?” labis na pag aalala ni Steven.
“wala siyang nilagay sa sulat eh, speaking of the sulat, basahin natin” si Amy at agad pinakita ang sulat kay Steven.
________________________________________________________
Amy,
Salamat sa lahat ng tulong mo, pero sa tingin ko ay makakabuting lumayo na ako, siguro kapag nabasa mo ito ay nasa malayo na ako, pasensya ka na kung di na ako nakapag paalam pa, ayaw ko na kasing makaabala pa eh, hinding hindi ko makakalimutan ang pagiging magkaibigan natin, pakisabi nalang din kay steven na maraming salamat sa lahat, di bale magkikita pa naman siguro tayo eh, at siguro by that time makakabawi na ako, maaaring di ko alam kung saan ako patutungo ngayon pero pagsusumikapan kong tahakin ang tamang landas, at marahil ay ito na din ang tamang panahon para hanapin ang aking kambal, di ko man alam kung saan ako magsisimula, pero susubukan ko pa din, alagaan niyo ang sarili niyo huh, masaya ako at naging parte kayo ni steven sa buhay ko.
- Rylie
_______________________________________________________
Di na napigilan pa ni Steven ang kanyang damdamin, pagkatapos basahin iyon ay tila bumigat ang kanyang nararamdaman. Agad siyang niyakap ni amy para damayan, tangan ang sulat ay nagpasya si Steven sa dapat niyang gawin.
***********************************
Pagkadating ni brix sa kanilang bahay ay agad nitong nakita si Dianne na nagpapahanda ng pagkain para kay Rylie.
“anong balita Dianne? Kamusta na siya?” pagbati ni Brix at dali-daling naupo sa sofa dahil sa pagod.
“okay naman siya, may kaunting fractures lang, mukhang napagod ka ah, siguro galing ka dun kay Vanessa” pag-usisa ni Dianne.
“pinuntahan niya din kasi ako sa opisina kaya ayun, buti naman at ayos lang siya, ano na palang gawa niya ngayon?” Paglihis ng usapan ni Brix.
“nakatulog siya ulit eh, medyo masakit pa siguro yung katawan niya kaya kailangan pa ng pahinga, siya nga pala, kuya Brix, may sasabihin sana kasi ako eh, kasi nakausap ko na siya kanina, tapos nagtanong na din ako ng ilang bagay tungkol sa kanya, kuya, pwede bang dumito nalang siya? Wala na daw kasi siyang mapupuntahan pa, wag kang mag-alala mabait naman siya at mukhang mapagkakatiwalaan, kahit nga daw mamasukan na lang siya dito” pagkumbinse ni Dianne.
“ganun ba, sige, sa ngayon, tatanungin ko muna sila dad bukas, madami pa din kasi silang inaasikaso sa states” tugon ni Brix na ikinatuwa ni Dianne.
“thanks kuya, alam mo kasi, parang ang gaan agad ng loob ko sa kanya eh, parang sa tingin ko makakasundo ko agad siya” si Dianne.
“talaga lang ha? Tamang tama, minsan isama mo siya sa mga photo shoot mo para may makasama ka din pag busy ako” suhestiyon ni Brix.
“that’s a great idea, na a-out of place kasi ako sa inyo ni Vanessa eh, para kahit na nandun yung linta na yun ay may makausap naman ako” si Dianne.
“ayan ka nanaman, pinairal mo nanaman yung pagkainis mo kay Vanessa, buti pa ay iakyat mo na yang pagkain doon, at baka gising na iyon, susunod nalang ako para makausap ko din siya” si Brix na napailing nalang.
“hmph! sige na nga” tugon ni Dianne at agad na nitong kinuha ang pagkain na inihanda ng katulong at agad na dinala iyon kay Rylie.
*************************
Naging matagumpay ang pagpiyansa kay Andrew at naisama na ito pauwi sa mansion ni Ramon.
Pagkadating palang sa bahay ay napanganga sina Martha sa lawak at laki nito.
“o, Martha, tila gulat na gulat kang makakita ng mansion?” pagpuna ni Ramon habang ipinagmamayabang ang kanyang bahay.
“pasensya ka na Ramon, ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong kalaking bahay, tapos may fountain pa sa labas, tapos ang lawak pa ng hardin mo, parang pwede pa ngang tayuan ng mga bahay eh” pagkamangha ni Martha.
Di din naman maiwasan na mamangha sina shiela at Andrew sa lawak at laki nito, tila nga nanabik sila na malibot ang buong lugar.
“Andrew, anak, simula ngayon, dito ka na titira, ituring mo na sa iyo na din ang bahay na ito, tsaka yung tungkol sa kaso mo, huwag mo ng alalahanin yun, kami na ni atty. Salazar ang bahala doon” si Ramon sabay akbay kay Andrew.
“p-pasensya na po, pero medyo naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari, pero salamat na din po sa tulong” medyo kinakabahang tugon ni Andrew.
“naiintindihan ko anak, di bale, ipapaliwanag ni Martha sa iyo ang lahat, tsaka natural lang na gawin ko yon dahil anak kita, o siya, alam kong pagod na kayo, ipapahatid ko na kayo sa magiging kwarto ninyo” si Ramon at agad inutusan ang kayang tauhan na ihatid sina Martha sa kanilang magiging kwarto.
Pagkaalis nila Martha, ay agad naman na nilapitan ni Precious si Ramon at nilambing agad ito.
“tignan mo nga naman Ramon, like father, like son ang tema niyo, akalain mong mana pala ang anak mo sayo na magkakaroon ng criminal record? Haha, tadhana nga naman” pagbiro ni Precious.
“di ko nga din akalain eh, pero nagawa mo na ba ang pinagawa ko?” pag iba ni Ramon ng usapan.
“oo naman, yung mga tauhan mo na ang bahala sa Nestor na yun, ano bang balak mo pag nakuha mo na ang isa mo pang anak? Pero anak mo nga ba talaga yung Andrew na yun?” pagtataka ni Precious.
“masisiguro ko naman na anak ko yon eh, kaya ng malaman ng teknolohiya ang tungkol diyan, pag nakuha ko naman ang isa ko pang anak, di ko pa alam ang gagawin ko sa ngayon eh, basta ang mahalaga ay kasama ko na ang isa sa kanila" tugon ni Ramon.
“pero paano na si Cecilia? Paano kung hinahanap din niya ang mga anak niyo?” biglang natanong ni Precious.
Bigla namang hinawakan ng mahigpit ni Ramon ang siko ni Precious na naging dahilan upang mapangiwi ito.
“Precious, hindi na dapat tinatanong ang bagay na iyan, hindi naman nawawala sa plano ko ang paghihiganti ko sa ginawa niya sa akin, stay put ka lang, ang mabuti pa, paligayahin mo nalang ako” si Ramon.
Agad na hinila ni Ramon si Precious papasok ng kwarto para masimulan na ang init na kanyang nararamdaman.
Samantala naihatid na sina Martha sa magiging kwarto nila, hiwalay si Andrew ng kwarto kaya agad niyang pinuntahan ito.
“grabe, ang ganda dito ano? Tapos aangal angal ka pa” bungad ni Martha kay Andrew.
“eh inay? Totoo bang anak ako nung Ramon na iyon?” pagtataka ni Andrew.
“siyempre hindi! Kung hindi kita iprinesenta kay Ramon baka nasa hukay na ang ama mo! Tsaka ayaw mo yun, nakatira na tayo sa malaking bahay at hindi na naghihirap pa” si Martha na dinadama ang malambot na kama.
“pero inay, paano si itay? Tsaka sino ba kasi ang tunay na anak nung Ramon na yun? Paano nalang kapag nabuko tayo?” pangamba ni Andrew na hindi mapakali.
“wag kang mag-alala, di naman niya sasaktan ang tatay mo, ang anak ni Ramon ay si Rylie tapos yung isa pa ay ibinenta ko, isa pa nga yun sa proproblemahin ko eh, kaya Andrew, gawin mo ang makakaya mo para magpanggap, dahil sa oras na malaman ni Ramon ang katotohanan, patay tayo” pagbanta ni Martha.
Makahulugang tingin lang at pangamba ang nanaig kay Andrew kaya wala na itong magagawa kundi ituloy nalang ang pagpapanggap.
Isa pa eh makikinabang din naman siya dahil sa yaman ba naman ng kanyang magiging ama, malalayo na siya sa kahirapang kinagisnan.
****************************
Bago matapos ang araw ay pinayagan na si Steven na makauwi sa kanilang bahay, lingid sa kanyang kaalaman na ang ipinambayad sa hospital ay galing sa kanyang ama.
Pagkadating ng bahay ay agad na inayos ni Steven ang kanyang mga gamit habang ang kanyang ina naman ay naghanda ng pagkain.
Hawak pa din ang sulat na ginawa ni Rylie, ay muling nagbalik tanaw ang mga ala-ala ni Steven noong kasama pa niya si Rylie.
“bakit ba ganito ang nararamdaman ko para sa iyo Rylie? Bakit ba parang napakahalaga mo para sa akin?” tanging nasambit ni Steven sa sarili at muling tinignan ang sulat na kanyang hawak.
“nasaan ka na? sana ay mabuti ang kalagayan mo saan ka man naroroon, ipinapangako ko hahanapin kita” nasabi nalang ni Steven sa kanyang sarili.
Agad na lumabas si Steven ng kanyang kwarto para na din kausapin ang kanyang ina.
Kahit pa man may halong galit ito dahil sa paglayo na ginawa nito sa kanila ni Rylie ay kinimkim na lamang niya iyon.
“oh, Steven, hindi na ba masakit ang sugat mo? Maupo ka na at kakain na tayo” pag-aya ni Tessie at agad na ipinaghanda ng pagkain si Steven.
“inay, bukas na bukas din ay maghahanap na agad ako ng trabaho, para makatulong na din sa inyo at pambawi sa mga nagastos natin” panimula ni Steven.
“ano? Bakit ba parang nagmamadali ka? Hindi pa nga ata masyadong okay yang sugat mo eh, baka mabigla ka naman niyan” pagsalungat ni Tessie sa gustong mangyari ni Steven.
“pero inay, nakapagpasya na po ako, at kung kinakailangan kong makipagsapalaran ay gagawin ko” pagmamatigas ni Steven.
Alam ni Tessie na buo na ang desisyon ni Steven, kaya kahit anong gawin niya ay hindi na niya ito mapipigilan.
Di naman nabigo si Steven sa kanyang paghahanap ng trabaho, dahil sa may hitsura naman ito, maganda ang katawan at matangkad ay agad naman itong natanggap sa isang bar bilang waiter..
ITUTULOY…