CHRISSA | FLASHBACK “CHRISSA! BUMANGON KA na diyan. Tanghali na ay nakahilata ka pa sa kama. Bakit hindi ka tumulad sa pinsan mo na maaga pa ay nakabangon na. Kahit may kasambahay ay naigawa na ng kape at agahan ang mga magulang niya. Dose anyos ka na. Hindi ka na paslit. Pati itong mga marumi mong damit, kung saan ka maghubad ay diyan mo na lang iniiwan. Ano ka, ahas? Kung saan magluno ay doon na iniiwan ang balat. Diyos ko naman, Chrissa!” Nagtaklob ako ng unan sa mukha dahil araw-araw na walang palya, ganito ang sinasabi ng aking ina sa akin. Noong una ay ginagawa ko naman ang kailangan. Kaya lang kahit gawin ko, hindi pa rin tama sa paningin niya. Si Clarissa ganito, si Clarissa ganyan. Puro na lang Clarissa. Nakakasawa na! Hindi ganyan. Dapat makinis. Ganito ang ginawa ni Clariss

