CHRISSA | Flashback continued TWO DAYS LATER, I was swimming in the pool when Clarissa walked in with a man. It was Samuel. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon—ang lalaking nagustuhan ko ay kaniya na naman. But I doubt if Clarissa already slept with him, she’s a prude. Lihim akong napangiti. Kung huhusayan ko ang pag-arte ay hindi magtatagal at tuluyan nang iiwan ni Samuel ang pinsan ko. “Chrissa,” bati niya sa akin. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Samuel at ang alanganin niyang ngiti. Hindi niya inaasahan na magkikita pa kami, katulad din ng inisip kong one night stand lang ang nangyari noong nakaraang gabi. Imbes na takpan ang sarili ko ng roba ay pinili kong tuyuin ang sarili ko ng towel sa harap nila. Bahagya pa akong tumungo para ipakita ang malusog kong dibdib at umbok ng

