CLAIRE I STAYED ON bedrest and Ninang came to see me frequently. Iniwasan kong mag-isip para sa kaligtasan ng baby ko. My parents visited me as well as my other relatives. Pasalamat na lang ako at hindi nagpakita si Chrissa. She may be welcome at my parents’ home pero hindi sa pamamahay namin ni JP. Ang tiyaga ng asawa ko na alagaan ako. Lahat ng kailangan ko ay ibinigay niya at kapag kailangan kong bumangon para magbanyo sa madaling araw ay bumabangon siya para samahan ako. He did that for the entire week. Our wedding day finally came at hapon pa ang kasal namin. One of the things JP and I enjoy a lot is sunset. Madalas kaming tumigil sa terrace at panoorin ang paglubog ng araw. Pangarap naming tumanda nang magkasama at panoorin ang paglalaro ng mga apo namin balang araw. Pagkatapos ng

