"So, kumusta naman ang lovelife mo?"
I unconsciously rolled my eyes upon hearing Maurice's question. Nasa coffee shop kami malapit sa pag-aaply-an kong trabaho. Nasa malapit lang din kanina ang meeting ni Maurice kaya naman inaya niya akong magkita muna kaming dalawa.
"Ang tagal nating hindi nagkita tapos 'yan ang una mong tanong?" I asked her with a hint of sarcasm.
Mahina siyang tumawa. "Oh, come on. Grabe ka naman sa matagal. Ilang weeks lang tayong hindi nagkita, nagtatampo ka na riyan agad."
Muli ko siyang inirapan bago sumimsim sa in-order kong frappucino. 'Yong pinakamahal na ang in-order ko dahil ililibre naman ako ni Maurice, at hindi ko afford 'yon kung sakali mang ako ang bumili.
Yes, hindi ko afford.
"Puwede bang huwag nalang nating pag-usapan 'yang 'lovelife-lovelife' na 'yan?"
"Why?" Nagtagpo ang dalawang kilay ni Maurice at pinanliitan ako ng mga mata. "May balak ka ba talagang itago sa 'min 'yang lalaking umaaligid sa 'yo?"
"Wala akong itatago kung wala naman talaga," I answered in a matter of fact.
Malakas akong bumuntong hininga at tumingin sa labas ng coffee shop. Naiinis na naman ako tuwing naiisip ko kung anong nangyari sa amin ni Atlas.
Ever since we had s*x, naputol na rin ang koneksyon namin sa isa't-isa--- and no, hindi siya ang nang-ghost sa akin.
Hindi man kapani-paniwala but I ghosted him.
Ilang beses akong inaya ni Anastasia na mag-lunch pero ilang beses ko ring tinanggihan dahil alam kong kasama niya ang step-brother niyang si
Atlas. I saw it on her posts. Kaya sa tuwing mag-aaya sa akin si Anastasia, palagi kong tinatanggihan.
Akala ko ay doon na magtatapos ang lahat... but Atlas even asked his step-sister for my number! Nagulat na lamang ako nang may unknown number na tumawag at boses ni Atlas ang nagsalita sa kabilang linya. Dahil sa gulat ko ay agad ko iyong pinatay.
Mabilis akong napailing nang maalala ko iyon. Bakit niya ba kasi ako gustong kausapin? Wala na kaming dapat pang pag-usapan kaya bakit ang kulit-kulit niya?
"Don't tell me..."
Nag-angat ako ng tingin kay Maurice bago ko siya tinaasan ng kilay. "What?"
"Don't tell me, you ghosted him?"
Halos malaglag ang panga ko sa sahig nang marinig ang sinabi niya. "Paano mo nalam... Oh." Tinakpan ko ang aking bibig nang marealize na kinumpirma ko ang hula niya.
Nanlaki ang mga mata ni Maurice at kapagkuwan ay mahinang tumawa na animo'y hindi makapaniwala sa narinig.
"See? Kilalang-kilala na talaga kita," natatawang sambit niya habang umiiling. "Why did you ghost him? Anong ginawa niya? By the looks of it, mukhang hindi ka naman niya sinaktan o binastos."
I drew in a long breath and looked away. Yes, of course. Hindi naman katulad ng ibang lalaki si Atlas. Alam kong galit siya sa akin but he won't go that far to annoy me.
"He's not like that."
"Then why? Mabait naman yata saka alam ko naman na hindi ka magkakagusto sa hindi mo type so technically, type mo siya... tapos mabait din naman. So, why? Bakit mo siya ghinost?"
Tulad kanina ay hindi rin ako kaagad nakasagot. Kahit ako rin naman, hindi ko rin alam kung anong totoong dahilan kung bakit ako umiiwas kay Atlas. Damage control siguro?
"Do you like him?"
Agad akong nag-angat ng tingin kay Maurice dahil sa tanong niya. Ilang beses akong napakurap at nag-aalangang sumagot. "He hates me."
"So..." Sunod-sunod na tumango si Maurice na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko. "You like him."
"H-Huh? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sabi ko, galit siya sa akin--"
"And? I am asking if you like him. Anong connect kung galit siya sa 'yo o hindi?" She cut my words off.
Natigilan ako at ilang beses na napakurap. Tila napipi ako at hindi na naipagtanggol pa ang sarili ko.
Well, Atlas is indeed handsome and he's completely my type. I can say that I am attracted to him... pero 'yong like? As in gusto ko siya?
Hindi ko alam. We haven't talked to each other that much for me to say that I like him.
"Why is he mad at you? May nagawa ka ba sa kaniya? Danielle, ha. Baka naman tulad ng ginawa mo sa mga lalaki sa bar--"
"Hindi ganiyan," mabilis na pagtanggi ko sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin? Na pinaasa ko si Atlas? Na binitin ko siya matapos makipaghalikan at magbigay motibo?
I absentmindedly rolled my eyes. Bumigay nga ako kaagad sa lalaking iyon, e. Damn him!
Wala naman sa plano ko noon na may mangyari sa aming dalawa pero ewan ko ba. Nawala yata ako sa tamang pag-iisip noong gabing iyon. Hindi rin naman ako lasing kaya ewan ko kung anong nangyari sa akin.
"So, why? Anong ginawa mo sa kaniya kaya galit siya sa 'yo? I mean, hindi naman magagalit ang isang tao nang walang dahilan, alam mo naman 'yon 'di ba? Unless he's weird because he got mad for no reason."
Malakas akong bumuntong hininga at nagkibit balikat. "That's exactly why I ghosted him. He hates me and I don't even know the reason why. Noong una kaming nagkita, galit na siya agad sa akin. Ewan ko kung bakit ang init-init ng dugo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya."
"Why don't you ask him?"
"He just hates my guts," sagot ko kay Maurice at muling sumimsim sa iniinom ko. "That's it."
"Pero gusto mo pa rin," naiiling na sambit niya na para bang ang tanga-tanga ko.
Napailing na lamang din ako at hindi na nakipagtalo pa sa kaniya. Mas mahihirapan lang din naman akong ipaliwanag sa kaniya na hindi ko gusto si Atlas... na attraction lang ang nararamdam ko para sa kaniya.
"You know what, maybe it's just a sign for you to focus on applying for work. Balita ko... na-extend ang hindi mo pag-uwi sa Batangas?"
Hinilot ko ang sintido ko nang ipaalala niya na naman ang bagay na iyon. Ang usapan namin nina Mama at Papa, hindi ako magtatagal dito sa Manila at mag-eenjoy lang ako. Kailangan ko lang patunayan sa kanila na hindi na ako gagawa pa ng gulo tapos babalik na rin ako kaagad sa Batangas.
But, when they found out that I'm really doing well here, parang ayaw na nila akong pabalikin sa Batangas. They even encouraged me to find a job... dahil hindi na nila ako bibigyan ng allowance.
"Maurice, I'm broke," reklamo ko at wala sa sariling napapadyak. "I've been trying to find a job, I swear! Maayos naman ang natapos ko kahit na sa province ako nag-aral. I graduated with flying colors! Hindi ko alam kung bakit ayaw nila akong tanggapin."
"Sinabi ko na naman sa 'yo na sa Inara ka nalang mag-apply ng traba--"
"Ayaw ni Mama," pagputol ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya. "You know she hates nepotism."
Mukhang nakuha naman ni Maurice ang ibig kong sabihin kaya't nahihiya man ay wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. Inara is a haven of the smartest and most talented designers and businessmen in the country. Halos lahat ng naroon, kung hindi sa prestihiyosong university sa Pilipinas nag-aral, ay sa abroad nagtapos.
Anong laban ko sa mga 'yon bukod sa Fontanilla ako?
Isa pa, hindi ako ganoong ka-competent. May self-awareness naman ako kahit papaano. Yes, marunong akong magpatakbo ng hacienda... but other than that, I don't think I can handle working in Inara.
Hindi ako kasing talino ni Maurice o ng buong pamilya ko.
"So, what's your plan?"
I lifted my shoulder in a half-shrug. "Hindi ko alam kung kailan ako pababalikin sa Batangas, so I accepted Delaney's offer. May bakanteng position pa raw sa company ng kaibigan niya, so she recommended me," sagot ko.
"What position?"
"Secretary ng CEO."
Mukhang satisfied naman si Maurice sa offer sa akin kaya't napatango siya. It's a pretty decent job. Bukod sa malaki ang suweldo, medyo sanay na rin ako sa ganoong trabaho dahil iyon naman ang karaniwang ginagawa ko tuwing nasa probinsiya.
"Do you personally know the CEO? Lalaki ba?"
I shrugged. "Hindi ko natanong kay Delaney. Why?"
"Wala lang, baka mamaya may ibang ipagawa sa 'yo. Isumbong mo kaagad---"
Malakas akong bumuntong hininga at bored na tumingin sa kaniya. Iyon talaga ang unang inalala niya, hmm?
"Don't worry. Kapag guwapo, lalandiin ko," I joked. Napailing na lamang si Maurice dahil sa sinabi ko kaya't mahina akong natawa.
Ang hirap niya namang pasayahin!
Duh, kahit papaano, professional naman ako, ano. Hindi ko lalandiin ang boss ko... never.
Wala sa sarili akong napatingin sa phone ko nang may nag-notif.
Atlas:
Where are you?
Akmang papatayin ko na ang cellphone ko dahil wala naman akong balak sagutin ang message niya nang dumako ang mata ko sa oras.
"s**t!" Malakas na sigaw ko at mabilis na tumayo.
"W-Why? Is there something wrong?" Nag-aalalang tanong ni Maurice.
Dali-dali kong kinuha ang purse ko maging ang iniinom kong frapuccino. "I'm late!" Natatarantang sagot ko.
"H-Huh? Ihahatid na kit---"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at sa halip ay dali-dali na akong tumakbo palabas ng coffee shop. Ni hindi na ako nakapagpasalamat pa sa kaniya dahil sa inilibre niya at sa pakikinig sa mga rants ko sa buhay.
Laking pasasalamat ko dahil malapit lamang ang coffee shop sa kung saan ako mag-aapply ng trabaho. Tinakbo ko na lamang ang distansya mula coffee shop hanggang sa kumpanya kaya naman hindi ko mapigilang mapangiwi nang makarating sa front desk dahil sa paltos sa paa ko. Naka-heels nga pala ako. Damn!
"Miss, saan ang HR? Mag-aapply ako para sa secretary--"
"Kayo po si Ma'am Danielle Fontanilla?"
Kumunot ang noo ko dahil kilala ako ng nasa front desk. Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako dahil talagang nagmamadali na ako. Sayang ang opportunity kung hindi ako matatanggap dahil lang na-late ako.
"Ah, sa 28th floor po, Ma'am. Hinihintay na kayo ni Sir Beau---"
"Thank you!"
Hindi ko na siya hinintay pang makatapos sa pagsasalita at mabilis nang tumakbo papunta sa may elevator.
"Oh my gosh!" Malakas na sigaw ko nang bigla na lamang may kung sinong humarang sa daraanan ko. Dahil mabilis ang pagkatakbo ko ay hindi ko agad napigilan ang sarili ko kaya naman tumapon sa suot niya ang dala kong frappuccino.
"Oh my god! I'm sorry!" Nagpapanic na sambit ko at agad na kumuha ng tissue sa dala kong purse. Lumuhod ako sa kaniya at pinunsan ang slacks na suot ng lalaking natapunan ko ng dala ko.
Ano ba kasing pumasok sa utak ko at dinala ko pa 'yong inumin dito? s**t!
Eh, kasi naman, ang mahal din noon... saka libre rin ni Maurice kaya sayang naman kung iiwan ko lang sa coffee shop.
Ngumiwi ako at naiiyak na habang pinupunasan ang slacks ng lalaki.
"Damn, you look so hot, but I don't want you doing that to strangers."
Tila nabato ako nang may marinig na pamilyar na boses. Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harap ko.
Halos lumuwa ang mata ko nang makita kung sino ang natapunan ko ng inumin... at niluluhudan ko ngayon.
"A-Atlas?"
Gumuhit ang mapang-asar na ngisi sa labi niya bago bahagyang umupo upang maging magkapantay kami. Lumapit siya sa akin upang bumulong.
"If you're going to kneel in front of me, do it on my bedroom. Not here."
Umawang ang labi ko at magsasalita pa sana para kumontra nang maunahan niya akong magsalita.
"And make sure that you will only kneel for me... ayaw kong lumuhod ka sa ibabang lalaki, hmm?"
Dali-dali akong tumayo at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Lumingon ako sa paligid namin para masigurong walang ibang nakarinig sa kaniya.
Tumayo na si Atlas at nakapamulsang tumingin sa akin. Simula nang gabing may nangyari sa amin, hindi ko na siya ulit nakita kaya naman nakakapanibago na narito na siya sa harapan ko.
I swallowed the lump on my throat. "W-What are you doing here?"
"I'm working."
Mas lalong nagtagpo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "H-Hindi ba't sa bar ka nagtatrabaho? Ikaw ang may-ari noon, hindi ba?" Naguguluhang tanong ko.
Atlas chuckled as if I said the most ridiculous thing ever. Ilang beses akong napakurap hababg nakatingin sa kaniya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Come on, do you really think I'll be a billionaire if that's my only source of income?"
My eyes went wide. Ibig niya bang sabihin...
"D-Dito ka nagtatrabaho?"
Muli siyang ngumisi.
"Oh, hindi ba nasabi sa 'yo ni Delaney?" kaswal na tanong niya kaya't halos malaglag ang panga ko sa sahig. "I own this place, Danielle. Welcome to the company."
I froze on my spot.
He is... he is the CEO?
Wala sa sarili kong itinuro ang aking sarili. "I-I'll be working... for you? You're my boss?!"