01
“The stars are pretty, isn’t it?”
Danielle heaved a deep sigh as she looked up towards the sky. She lifted her shoulder in a half shrug. “They’re not that special,” she answered.
Her cousin, Maurice Fontanilla, laughed upon hearing her answer. She nudged her shoulder that made her frowned. “Come on. Everyone knows that you like the stars. Kayo ng Mama mo. . . gusto niyo ang mga bituin, ‘di ba?”
Hindi agad nakasagot si Danielle at sa halip ay itinuon ang tingin sa taas ng kalangitan. Malakas siyang bumuntong hininga at sa wakas ay nagbaba na ng tingin. “They’re pretty,” pag-amin niya.
Umayos siya ng pagkakaupo sa likod ng sasakyan ng pinsan na nakabukas kaya’t doon sila nakaupo ni Maurice habang tanaw ang mga ilaw ng building at bituin sa kalangitan. She hugged her body because of the coldness of the wind.
“Lagot tayo kay Ninang N kapag nalaman niya na tumakas ka na naman sa bahay niyo,” sambit ni Maurice at tumingin sa direksiyon niya.
Danielle pouted. “Sobrang boring sa hacienda, Maurice. Kung ikaw ang naroon, siguradong mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko,” may halong pait na sagot niya.
“Ah. Kaya pala tinawagan mo ako nang ala-una nang madaling araw para samahan ka rito, ganoon ba? Ang lamig, ano! Saka may pasok pa ako bukas kaya kulang na kulang ang tulog ko,” reklamo ng pinsan na siya namang ipinagsawalang bahala niya. “Ang peaceful kaya sa hacienda niyo. Gustong-gusto ko nga na nagbabakasyon doon. Ikaw naman, gustong-gusto mo sa Maynila. Ano bang mayroon sa Maynila at gustong-gusto mo roon?”
Hindi sumagot si Danielle. Alam niya kung ano ang dapat na isagot sa pinsan ngunit nanatili na lamang siyang tahimik at hindi na lamang sinabi pa ang rason niya.
She forced a smile towards her cousin. “Tinatanong pa ba ‘yan? Siyempre, ‘yong mga gwapo. Sawang-sawa na ako sa hacienda. Pare-parehas na tao lamang ang nakikita ko,” pagdadahilan niya.
Maurice scoffed. “Ang sabihin mo, gusto mo sa Maynila dahil nagagawa mo kung anong gusto mo. Pasalamat ka na lamang talaga at hindi ka pa rin namin isinusumbong nina Kuya Dylan at Iverson kina Ninang N at Dada. Kapag nalaman nila nag pinaggagawa mo sa Maynila—“
“Shh. Ang ingay mo naman,” pagputol niya sa sasabihin ng pinsan. Mas lalo niyang niyakap ang sarili at humikab. “You know me, Maurice. I’m an extrovert. Pakiramdam ko ay mamatay ako kapag hindi ako nakipag-usap sa mga tao. Tapos ‘yong mga tao naman sa hacienda, ang alam nila, prim and proper ako. . . kahit hindi.”
She propped her chin on her palm out of frustration. “Sina Mama at Papa, akala nila ay magaling ako sa negosyo pero tinutulungan mo lang naman ako kaya nakaka-survive ako sa mga pinaggagawa nila. I mean, gusto ko naman ang hacienda. But I just think that working there is not suited for me,” dagdag niya pa at mas lalong sumimangot.
Her cousin heaved a deep sigh. “Ano? Sinasabi mo bang gusto mo pa rin na maging tulad nina Mom at ni Tita Layla? You want to be a fashion designer too? Iyon ba ang ibig mong sabihin?” paglilinaw nito.
Danielle let out a harsh breath as she slowly nod her head. “Hindi ko lang masabi kina Mama at Papa. Alam ko naman na susuportahan nila ako pero. . . paano ang hacienda? Kung wala ako, ano na lamang ang mangyayari sa mga trabahador sa hacienda? Ayaw ko namang iasa kay Mama ang trabaho roon lalo pa’t may sakit siya sa puso saka medyo matanda na.”
Hindi nagsalita si Maurice kaya’t ipinagpatuloy ni Danielle ang pagsasalita. “I’m not really interested on that job. ‘Yong gusto ko, tulad nina Tita Layla at Tita Monika. Kung tutuusin, parang mas anak ka pa nga ni Mama kaysa sa akin. Wala naman akong alam sa negosyo—“
“You’re smart, Danielle. Remember noong bata pa tayo? Palagi kang top 1 tapos second ako. See? Mas matalino ka sa akin.” Maurice cut her words off.
Mas lalo namang napasimangot si Danielle dahil sa sinabi nito. “’Yon na nga ang problema, e. Ang tali-talino ko noong bata ako tapos heto ako ngayon, wala ng laman ang utak. Ang laki ng expectations nila sa akin dahil sabi nila matalino raw ako. Akala ko rin naman, e. But then, bigla na lamang nawala ‘yong sinasabi nilang talino. Ewan ko kung saan napunta,” naiinis na sambit niya.
“Kung nandito lang sana ang kakambal ko,” she added in a low voice as she looked above. “If Newt is alive, I’m sure he’ll do what I’m doing right now. Kung nandito lang sana siya, mas mapapadali sana ang buhay ko.”
Maurice sighed because of what she said. “Malapit na nga pala ang death anniversary ng kakambal mo. Kaya mo ba ako tinawagan, ha? Malungkot ka pala, hindi mo agad sinabi sa akin,” naiiling na sabi nito.
Danielle’s lips puckered once again. “Dahil malapit na naman ang death anniversary niya, ramdam ko na naman ang lungkot sa bahay. Tapos mas lalo silang nagiging over protective sa akin kapag malapit na ang death anniversary ni Newt kasi sabi nila, natatakot silang mawala ako. I mean, hello? Ang healthy-healthy ko kaya!” she ranted once again.
Hindi muling sumagot si Maurice sa sinabi niya kaya’t muli siyang nagpatuloy. “Kung ang ipinag-aalala nila sa akin ay ‘yong sakit ko sa puso tulad ni Mama, bakit pa nila kailangang mag-alala? Sabi nila sa akin, ayos na ako. Hindi ba dapat, kapag ayos na ako, pinapayagan na nilang gawin ko ang gusto ko?” dagdag niya pa at tumingin sa pinsan.
Bumuntong hininga naman si Maurice at tumango. “You’re sad, right?”
“Hindi ba halata?” pamimilosopo niya na siyang ikinailing ng pinsan.
“Tara sa bahay. Do you want to go shopping with my Mom?”
Agad na nagliwanag ang mukha ni Danielle matapos marinig ang sinabi ng pinsan. “Talaga ba? Pero baka pagalitan ako nina Mama—“
“Ako na ang bahala. Ipagpapaalam kita kay Dada,” Maurice said, pertaining to her father. Napangiti naman si Danielle at sunod-sunod na tumango.
“Sa bahay niyo na tayo mag-aalmusal? Isasama mo na ako sa Maynila?” Excited na tanong niya rito.
Maurice sighed before she slowly nod her head as an answer to her question. Hindi naman mapagsidlan ang tuwa ni Danielle dahil sa sinabi ng pinsan. Sa wakas! Nagbabakasyon kasi siya kada-buwan sa Maynila at tumatagal ang bakasyon niya ng isang linggo. But a week wasn’t enough for her.
Kasama ang pinsan ay sabay silang pumunta ng Maynila. Her cousins welcomed her upon their arrival. May tatlo kasing kapatid ang pinsang si Maurice na puro lalaki kaya’t tuwang-tuwa si Danielle na makipagkuwentuhan sa mga ito.
Ngiting-ngiti si Danielle habang kasabay na kumakain ang mga pinsan at ang kaniyang Tito at Tita. Parang noong isang linggo lamang ay narito rin siya pero hindi pa rin siya sanay na may ibang taong kasama. She’s an only child so being with her cousins entertains her so much.
“Maurice, ‘nak, hindi ka ba sasama sa amin ni Danielle na mag-shopping?” Dinig niyang tanong ng Tita Monika niya kay Maurice.
Tumingin siya sa pinsan kahit na alam na niya kung anong isasagot nito.
“May trabaho ako, Mom,” pagsabay niya sa sasabihin nito. Sinamaan siya ng tingin ni Maurice ngunit tumawa lamang si Danielle.
“Sigurado ka, ha? Anong gusto mong pasalubong? May ipinapabili sa akin ang mga kapatid mo, baka may gusto kang idagdag,” tanong muli ng Tita Monika niya kay Maurice.
Magsasalita pa lamang sana si Maurice nang maramdaman na ni Danielle ang pagv-vibrate ng telepono niya sa kaniyang bulsa. Humugot siya ng malalim na hininga bago kinuha ang cellphone sa bulsa. Kahit na hindi niya pa nakikita kung sino ang caller, alam niya na agad kung sino ito—it’s either her Mama or her Papa.
Nakumpirma niya ngang tama ang kaniyang hinala nang makita ang pangalan ng ama sa caller ID. She heaved a deep sigh before answering the call. “Pa—“
“Danielle Amari Fontanilla, saan ka na naman ba nagsusuot? Pagkagising namin ng Mama mo, wala ka na! Ano? Itinanan ka na ba ng kung sinong lalaki riyan, ha? Hindi ba’t wala ka namang boyfriend? May hindi ka ba sinasabi sa amin—“
Hindi pa man natatapos ang sinasabi ng ama ay naagaw na ng Tita Monika niya ang telepono mula sa kaniya. “Kasama namin ang anak mo, Dwayne Fontanilla. Masiyado ka namang strikto sa anak mo. Parang kailan lang. . .”
Malakas na tumawa ang Tita Monika niya bago ibinalik sa kaniya ang telepono. Kunot-noo naman niya itong tiningnan. “Huwag mo ng problemahin ang Mama at Papa mo. Ano na, my favorite inaanak? Tara, shopping?”
Danielle smiled mischievously and nod her head in return.
----