02

1630 Words
“Ayaw niyo ba talaga akong samahan? Minsan na nga lang akong pumunta rito sa Maynila, ayaw niyo pa akong kasama—“ “Danielle Amari, kapupunta mo pa lamang dito noong isang linggo. Hindi minsan ‘yon kung nandito ka na naman.” Her eldest cousin, Dylan Fontanilla, interrupted her. Umismid si Danielle bago tumingin sa mga pinsan. Naka-upo si Maurice sa sofa at katabi niya ngunit ang mga mata ay nakatuon sa laptop at nagtatrabaho pa rin. Ang Kuya Dylan naman niya ay abala sa telepono at minsan ay pangiti-ngiti pa. Then, her eyes landed on one of her cousins. . . “Ako, Ate Danielle? Ayaw mo ba akong kasama?” he asked as he let out a mischievous smile. As usual, Danielle rolled her eyes. “Ayaw kitang kasama. Baka mamaya, sampalin na naman ako ng mga babae mo,” naiiling na tugon niya rito. “Come on, guys. Wala bang sasama sa akin? Final na? Ayaw kong kasama si Iverson—“ “Isama mo na,” Maurice cut her words off. “Susunod kami ni Kuya Dylan sa inyong dalawa. Tatapusin ko lang ‘tong report ko para wala na akong gagawin pagkatapos nating mag-party.” Danielle lips puckered as she crossed her arms over her chest. Hindi niya talaga maintindihan kung gaano kagusto ni Maurice na magtrabaho palagi. Baka kung siya iyon ay matagal na siyang nakahimlay. “Bakit niyo naman kasi ako pasasamahin dito kay Iverson? Baka hindi ako lapitan ng mga guwapo—“ “Don’t tell me, pati mga lalaki, naaattract sa akin?” Agad na sinamaan ng tingin ng magpipinsan si Iverson nang magbiro ito kaya’t hindi mapigilang matawa ni Danielle. “Ang pangit niyo namang ka-bonding. Joke lang,” dagdag nito at kinamot ang batok. “Minsan na nga lamang akong payagan nina Mama at Papa, ayaw niyo pa akong samahan. Come on, guys. Napaghahalataan na ang tatanda niyo na. YOLO! Hindi niyo ba alam ‘yon?” Naiiling na sabi ni Danielle at humikab. “Tama, tama! Dapat ineenjoy ang buhay,” pagsang-ayon ni Iverson kaya’t napatango si Danielle. Maurice, on the other hand, scoffed. “Palibhasa, parehas kayong dalawa na palaging laro-laro lang. Ayaw niyo ba ng pang-matagalan na relationship para naman—“ “Yuck!” sabay na hindi pagsang-ayon nila ni Iverson. Danielle winced as she looked towards Maurice disgustingly. “Ang bastos ng pinagsasasabi mo, Maurice, ha. Kadiri ka,” umiiling na sambit niya na animo’y diring-diri. Mabilis namang tumango si Iverson bilang pagsang-ayon kaya’t nag-apir sila ni Danielle. Sabay namang napailing sina Maurice at Dylan dahil sa inasal ng dalawa. “Susunod kami ni Maurice sa inyo mamaya. Hihintayin ko lang siyang matapos para may kasabay.” Walang nagawa si Danielle kung hindi ang sumang-ayon sa Kuya Dylan nila. Alam naman niya na kapag sinabing susunod sila ay susunod talaga sila. Her cousins doesn’t know how to break promises. She’s certain of that. “Iverson, bantayan mo ‘yang si Danielle, ha. Baka mamaya, puro babae ka na naman,” bilin ni Maurice nang makatayo silang dalawa ni Iverson. Agad namang tumingin si Danielle sa pinsan at tinaasan ito ng kilay. “Sus. Baka nga ako pa ang pabayaan niyang si Ate Danielle. Pustahan pagdating namin sa bar, makikita ko nalang na nakikipag-MOMOL na ‘yan. Yuck! Alam ba ‘yan ng Mama mo— Aray naman!” Sinamaan ng tingin ni Danielle si Iverson at tinaasan ito ng kilay. “Sige, magsalita ka pa. Sa oras na isumbong mo ako, nako, sinasabi ko sa ‘yo. Nakalimutan mo na yata na—“ “Akala ko ba ay aalis na kayo? Reserve us a seat, all right? Baka mamaya ay makalimutan niyo na kami.” Naputol lamang ang pagtatalo nila ni Iverson nang magsalita na si Dylan. Inirapan muna ni Danielle ang pinsan bago tumayo at isinukbit ang dalang shoulder bag. Akmang maglalakad na siya palabas ng bahay nang may maalalang importanteng bagay. Humarap siya sa mga pinsan at matamis na nginitian ang mga ito. Kunot-noo naman ang mga itong tumingin sa kaniya. “Kapag hinanap ako nina Mama at Papa, ano ang sasabihin?” she asked, a mischievous smile crept on her lips. Her cousins sighed in unison. “Natutulog na po si Danielle, Tito, Tita,” sabay-sabay na sagot ng mga ito. Danielle laughed and winked at them before walking away. ** Malalim na ang gabi at tinamaan na rin ng alak ang sistema ni Danielle nang maramdaman ang pagpasok ng kamay ng katabi niya sa suot niyang maikling skirt. Danielle scoffed as she slapped the hand of the guy. “Anong ginagawa mo?” she asked and looked at him with her emotionless eyes. Tumawa ang kasama niyang lalaki na kanina pa tumabi sa kaniya. Sinubukan niya itong paalisin kanina ngunit hindi sumunod at nagpumilit pa rin na samahan siya. “Come on. Lasing ka na, iuuwi na kita sa iny—“ “Sa Batangas pa ang bahay ko. Ihahatid mo pa ba ako?” She immediately cut his words off. She reached out for her shot glass and was about to drink when she noticed something different. Danielle let out a harsh breath as she shake her head. Muli niyang ipinatong ang baso sa lamesa at tumingin sa kasama. “Ano? Ihahatid mo pa ba ako?” The guy laughed as he slowly nod his head. “Why not? Kung ayaw mo naman na umuwi agad sa Batangas, we can just book a hotel—“ “Nah. Sawa na ako sa hotel. My family owns a lot of hotel in France so. . . nah. Thanks but no thanks,” walang ganang pagtanggi niya bago ipinaglandas ang daliri sa baso ng alak na nasa kaniyang harapan. “OH, so you’re rich, too?” Mayabang na tumawa ang lalaki na siyang mas lalong ikinainis ni Danielle. She roamed her eyes around the place and saw her cousin, Iverson, talking to someone but his eyes were still fix on her. Ngumuso ang pinsan at itinuro ang lalaki gamit ang labi nito ngunit tinanguan lamang siya ni Danielle. “Yes. And I am not that dumb too. I am not like you, you know?” sambit ni Danielle at tinaasan ng kilay ang lalaki. “What?” She crossed her arms over her chest and was about to speak when someone interfered. Agad namang napailing si Danielle nang makitang ang bagong dating na si Maurice iyon. “What’s happening here?” Maurice asked and looked towards her. “Binabastos ka ba ng lalaking ‘to, ha?” Danielle’s lips puckered as she shrugged her shoulders. “Check the shot glass,” utos niya. Walang pag-aalinlangan namang sinunod ng Kuya Dylan niya ang utos niya. After examining the shot glass, Dylan immediately shook his head. “Bullshit,” naiiling na bulong nito at tumingin kay Danielle. “Uminom ka ba?” She slowly shake her head in return. “He drugged it while I was pre-occupied,” kaswal na sambit niya at humikab. “Ikaw na ang bahala. Medyo inaantok na rin ako kaya ayaw kong makipag-away.” “Anong drug? Wala akong ginagawa—“ “Na-uh. Me and my girls witnessed everything,” Iverson Fontanilla interfered. Naglakad ito palapit sa gawi nila habang may nakasunod na limang babae. “Right, girls?” he asked. Agad namang tumango ang mga kasama niyang babae. The guy earlier looks towards Danielle but she just shot a brow up. “What the f—“ “Sumama ka na lamang sa presinto,” Dylan remarked as he held the guy’s arm. Sunod namang hinawakan ni Iverson ang kabila nitong kamay upang hindi iti makagalaw. “Sino ba kayo, ha?! Umiinom lang ako rito. Wala akong drugs—“ “Kung ako sa ‘yo, sa presinto ka na lamang magpaliwanag,” pagputol ni Dylan sasasabihin ng lalaki, “You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in the court of law. You have the right to have an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you.” A small smile etched on Danielle’s lips as she yawned once again. “Tangina, sino ba kayo? Huwag niyo sabi akong hawakan—“ “Lieutenant Colonel Dylan Fontanilla. Remember my name because this should be the last time that I can ever lay my hands on you. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin. You shouldn’t have messed with my cousin because I won’t ever. . . ever tolerate harassment,” mariing sambit ni Dylan at hinila na palabas ang lalaki kasama si Iverson. “Are you okay?” Maurice immediately asked and held Danielle’s arm. She nodded. “Buti na lamang at hindi ko nainom,” naiiling na sambit niya bago muling kinuha ang shoulder bag sa upuan. “Warn the girls here to check their drinks first before drinking. Mahirap na. Mauuna na ako sa labas. Hihintayin ko na lamang kayo roon.” Maurice heaved a deep sigh as she slowly nod her head. Nagkibit-balikat naman si Danielle at akmang maglalakad na palabas ng bar nang may makitang pamilyar na mga mata na nakatingin sa gawi niya. Nakipagsukatan ng tingin sa kaniya ang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan na para bang magkakilala sila. He looks familiar. . . Danielle immediately turned her head towards her cousin’s direction. “M-Maurice, kilala mo ba ‘yong lalaki?” she asked as she nudged her arm. “Lalaki? Sinong lalaki?” “’Yong lalaki—“ Danielle’s words were cut off short when the guy that she saw earlier immediately vanished. Wala sa sarili namang napahawak sa dibdib si Danielle dahil sa nangyari. Who is he? She thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD