AVA “Kung anak mo talaga ako ay hindi mo sasaktan ang mga taong mahalaga sa akin. Kung gusto mong magbago bumalik ka sa kulungan,” utos ni Ava sa lalaki. Nakipagtitigan s’ya sa akin. Takot ang nararamdaman ko sa kabila ng pagtapang-tapangan ko dahil sa baril na nakatutok kay Jaxson. Nag-aalala akong baka makalabit ang gatilyo at mabaril niya si Jaxson. Ayokong mangyari iyon. Binaba ang kamay niyang may hawak ng baril. Hindi pa rin niya binibitiwan ang baril. Umupo sa sahig habang nasa akin pa rin ang tingin niya. “Nagmahal ako sa babaeng ang akala ko ay mamahalin din ako. Ngunit mas mahalaga pa pala ang pagkakaibigan namin kaysa sa nararamdaman ko para sa iyong ina. Nagpakasal ako sa babaeng hindi ko mahal kahit alam kong buntis sa ibang lalaki. Parang nawalan ng saysay ang buhay ko

