AVA Hindi ako nakapagsalita nang ilang minuto. Nakatitig lang ako kay Jaxson. Hindi ako makapaniwalang inaalok ako ng kasal ni Jaxson, mismong sa kaarawan ko. Ang mukha ni Jaxson ay gulat at parang nadismaya sa ginawa ko. Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita ng. . . “Yes, I want to be part of your life, Jaxson,” sagot ko. Umawang ang labi niya na hindi makapaniwala sa sagot ko. Napangiti ako nang matamis. Ang luha ko'y tuluyan nang bumagsak dahil sa sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa kabila ng nangyari sa amin, minahal ko pa rin si Jaxson. Natakpan lang ng galit ang puso ko kaya iyon ang pinili kong maramdaman. Lahat naman ng tao ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon upang magbago. Dahan-dahang tumayo si Jaxson, tila hindi makapaniwala sa sagot ko. Napangiti ak

