AVA Hindi ko mapigilang maasiwa sa tingin sa akin ni Kara. Parang pinag-aaralan niya ang expression ng mukha ko pati na ang paghinga ko binibilang niya pa yata. “Ano ba, Kara, kung makatitig ka naman diyan parang sinusuri mo na ang buong pagkatao ko.” Reklamo ko sa kaibigan. “Pinuntahan kita sa bahay niyo alas siyete ng gabi, pero wala ka. Nakapatay ang ilaw ng bahay niyo.” Bigla akong napalunok. “M-May binili lang ako sa labas kaya hindi mo ako naabutan.” Pagsisinungaling ko. Napa-make face si Kara. “Lokohin mo lelong mo. Sa palagay mo maniniwala ako sa iyo? Hindi, no? Sinabi ng kapitbahay na hindi ka pa umuwi magmula nang uwian natin.” Mas lalo akong napalunok at pakiramdam ko nagkaroon ng butil-butil na pawis sa noo ko. “Bakit nakita niya ba akong dumating? Baka hindi niya la

