Alam ko na magaling sumayaw ng waltz si Samuel. Katunayan kanina sa condo niya ay isinayaw niya ako. Ayon sa kaniya ay gusto niya na siya ang unang lalaki na makasayaw ko ngayong tumuntong na ako sa edad na disiotso. Hindi niya raw ako maisasayaw ngayong gabi kaya sinamantala na niya ang pagkakataon kaninang umaga. Para kaming mga tanga kanina sa condo niya. Nagsayaw lang kami at halos nakayakap na siya sa akin. Minsan ay ninanakawan niya ako ng halik kaya napapangiti na lang ako. O, mas tamang sabihin na kinikilig ako sa ginagawa niya. "Calm down." Hinaplos ni Miss Shirley ang likod ko. "Like what I have said a while ago, gagawa ng paraan si Atty. Sam para matuloy ang engrandeng debut mo." Pinunasan na niya ang mukha ko. "Mahal na mahal ka ni attorney." Inayos niya ang nakakalat kong b

