"You should go, Samuel," anas ko. Nakaakbay siya sa akin habang magkatabi kaming nakaupo sa mahabang sopa. "Mag-a-ala una na ng madaling araw. Baka maghinala si dad kapag naabutan ka niya rito." "Pero wala kang kasama kapag umalis ako." "Huwag ka ng makulit, please? Kaya ko ang sarili ko." "Okay. But promise me na kapag nakaalis na ako ay ila-lock mo ang pinto at hinding-hindi mo pagbubuksan kung hindi rin lang ang parents mo ang nasa labas, okay?" "Noted, Atty. Sam," tugon ko na may halong biro. "Honey. From now on I want you to call me honey." "Okay, h-honey," tugon ko. "I like that, Lea honey." Hinaplos niya ang balikat ko saka ngumiti. "I hope someday when the right time comes, you won't hesitate to call me honey in front of other people. I am looking forward to that day, Lea."

