Chapter 21

1013 Words

"I suggest i-cancel mo ang pera na hinihiramin ni dad, honey," saad ko kay Samuel. Umakyat kasi si dad para kunin ang cellphone niya. Naroon pa rin kami ni Samuel sa kusina. "It can't be, honey." Tumingin siya sa labas ng pintuan ng kusina saka hinawakan ang palad ko. "Nakapangako na ako sa dad mo." "Then bawiin mo. Wala akong tiwala sa kaniya pagdating sa pera dahil may babae siya." "It's not that easy." "But—" Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil narinig ko ang mga yabag na pababa ng hagdan. "Mag-uusap tayo pagbalik ko, honey," bulong niya saka tumayo at lumabas ng kusina. "O, paalis ka na, Sam? Akala ko ay ihahatid mo si Lea?" "Balikan ko na lang si Lea. May kailangan kasi akong puntahan, Fernan. Nagpunta lang ako rito para kunin ang kotse ko." Narinig ko ang pagtawa ni daddy.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD