Pasado alas onse natapos ang practice namin. Mga anak ng kabigan nina mommy at daddy at mga pinsan ko ang nakasama ko sa practice na iyon. Niyayaya nila akong magpunta sa mall pero tumanggi ako. Umoo na kasi ako kay Samuel at sa condo niya kami mananatili hanggang mamayang hapon. "Sus!" wika ng bestfriend ko na si Mila. "Nariyan kasi si Jeffrey sa labas kaya ayaw mong sumama sa amin." Nagtilian ang dalawa kong pinsan na babae. Napatingin ako sa pintuan ng dance studio. Naroon si Jeffrey, nakatayo at nakangiti. Kumaway siya sa akin. "Ang haba ng hair ng lola n'yo!" wika ni Ines, ang pinsan ko. "Pamangkin siya ni mayor, di ba?" "Mismo!" tugon ni Mila. "Kaklase namin ni Lea at matagal ng may gusto sa pinsan mo." Inayos ko na lang ang dala kong bag. Hindi muna ako lalabas dahil mangunguli

