"Palagi ba kayong nag-uusap ni Jeffrey?" kaswal na tanong ni Samuel. Nasa loob na kami ng condo niya. Ramdam ko ang pagseselos niya. Naiinis siya dahil nagpunta si Jeffrey sa dance studio. "Kinakausap niya ako sa school," pag-amin ko. "Pero umiiwas ako." "Really?" Pinaupo niya ako sa mahabang sopa. "Pinagdududahan mo ba ako?" Naiinis ako dahil tila wala siyang tiwala sa akin. Pagod ako at ayaw kong makipagtalo. "Hindi naman sa gano'n, honey. Ang akin lang ay baka naman puwede sabihin na natin sa kaniya na may relasyon tayo. Para hindi na siya umasa pa. Ayokong umaali-aligid siya sa 'yo. Nagseselos ako." Napailing na lang ako. "So wala ka ngang tiwala sa akin." Mababa lang ang boses ko pero nasasaktan ako. "It's not like that, honey." Pinisil niya ang palad ko. "Hindi kasi titigil

