Magkatabi kaming nakaupo ni Samuel sa harap ng mesa. Kumakain kami ng tanghalian pero wala roon ang utak ko. Iniisip ko ang mga araw na darating. Paano kung bigla na lang aminin ni Samuel kay daddy ang tungkol sa aming relasyon? Ilang beses niya na kasing ipinagpipilitan sa akin na ipaalam na sa lahat ang relasyon namin. Mayamaya ay naramdaman ko ang pagdantay ng palad niya sa kamay ko. Agad ko siyang nilingon. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya. "Things will turn out to be just right, honey," aniya. "Ang mahalaga ay nagmamahalan tayo." Hinalikan niya ang kamay ko. "You don't have to worry about the things that may come." "Kung wala sanang mabigat na problema si mommy sa ngayon..." Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay. "I can tell her I am in love." "You'll do that?" Ma

