Magkatabi kaming nakaupo ni Samuel sa mahabang sopa. Nakasandal ang likod ko sa dibdib niya habang nakapulupot ang kamay niya sa aking tiyan. Napakasaya ko sa mga oras na iyon. Panay ang halik ni Samuel sa aking pisngi at leeg. "I thought you were just kidding, honey." Pinagsalikop ko ang aming palad. "That I am going to kiss you on your birthday?" Hinaplos niya ang balikat ko at hinalikan iyon. Napapitlag ako sa ginawa niya kaya tumawa siya. "Hmmm... that's why I came here to see if you are true to your words." "And I did prove it, right?" bulong niya sa aking tainga. Tumango ako. "I was just expecting a simple kiss but...what you did is beyond my expectation." Tumawa na naman siya. 'Yong tawa na nakakahawa. Tuloy ay nagsimula na namang uminit ang pisngi ko. "I told you I could t

