"I know it's about that kiss, honey," wika ni Samuel habang nagmamaneho. "Hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa akin." Wala akong imik. Nakatingin lang ako sa kalsada. Bahala siyang magkukuda, wala akong pakialam. Agad niyang hinawakan ang palad ko. Mahigpit iyon kaya hindi ko mabawi. Ayaw niya talagang pakawalan. "Babawi ako, Lea," patuloy niyang saad sa mahinang boses. "Just please, don't get mad at me. I promise hindi na mauulit." "Talagang hindi na mauulit." Mahina ang boses. "Ayokong pumupunta ka sa bahay. From now on ay dumistansiya ka na kay daddy." "What? Lea, bestfriend ko ang dad mo. Hindi ka pa ipinapanganak ay magkaibigan na kami ni Fernan." "Then you have to choose between me and your friendship with dad." Tumaas ang boses niya. Parang galit siya sa sinabi ko. "Why do

