Chapter 9

1005 Words
Alas diyes ng umaga nang umalis ako sa opisina ni Samuel. May meeting kasi siya at ayaw ko naman na makaabala sa trabaho niya. Umuwi na lang ako sa bahay dahil iyon ang bilin ni mommy. Si Samuel naman ay nangako na tatawag pagkatapos ng meeting niya. Wala akong gana kumain nang tanghaling iyon. Iniisip ko kung paano bumalik sa dati ang samahan ng mga magulang ko. Gusto kong maranasan ulit ang isang masayang pamilya. Dumagdag pa sa problema ko ang dating girlfriend ni Samuel na si Alice. Kanina ay nasabi ni Samuel sa akin na narito sa bansa ang Alice na iyon. Nagbabakasyon daw, pero hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya. O, baka naman gustong makipagbalikan ng babaing iyon kaya narito pa rin sa bansa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Matutulog na lang ako at baka paggising ko ay hindi ko na maiisip pa ang problema. Ayokong ma-stress dahil malapit na akong mag-debut. Kailangan maganda ako sa araw na iyon. Ilang minuto ang lumipas ay iminulat ko rin ang aking mga mata dahil narinig ko ang mga katok sa pinto. Bumukas iyon at nakita ko si Ate Ana, ang kasambahay namin. Napakunot ang noo ko nang makita ko sa likuran niya si Samuel. "Lea, pinaakyat ko na si Atty. Sam. Sabi ko kasi ay masama ang pakiramdam mo. Ayaw ko namang sabihin kay Ma'am Dina at may trabaho 'yon." Napailing na lang ako. Hindi man lang niya ako inalerto na dumating si Samuel. Nakapagbihis sana ako nang medyo maayos-ayos. Wala pa naman akong suot na bra. Tanging spaghetti strap blouse lang at maiksing-maiksi na shorts. Natatakpan ng kumot ang katawan ko kaya hindi nila makita. Asiwa ako dahil baka mas lalong magalit si Samuel. Kanina sa opisina niya ay pinagsabihan niya ako na huwag magsusuot ng maiksi. "Hindi ka raw kumain ng tanghalian," wika ni Samuel at dinama ang noo ko gamit ang kaniyang palad. "Bababa na ako, Lea, Atty. Sam." Lumabas na si Ate Ana at isinara ang pinto. "Wala akong gana kumain," anas ko. "Sayang lang pala ang pagpunta ko rito." Ngumiti siya at umupo sa gilid ng aking kama. "Yayayain sana kitang kumain sa labas. Hindi pa ako nanananghalian." Tumingin ako sa maliit na orasan na naroon sa tabi ng lampshade. Malapit ng mag-ala una ng hapon. Kawawa naman siya. "Nagpa-deliver ka na lang sana ng lunch sa office mo." "I want to have lunch with my girlfriend." Tumitig siya sa mukha ko. May lungkot akong nabasa roon. "I am having a bad day, honey." Nag-alala ako sa narinig. Para siyang pinagbagsakan ng langit sa mga oras na iyon. Panay na lang kasi ang pagbuntong-hininga niya. "Then we'll have lunch together," anas ko. Ayokong tanggihan siya. Gusto kong iparamdam sa kaniya na narito ako sa tuwing kailangan niya ako. Lumapad ang ngiti niya. "Then what are you waiting for, honey? Get up!" Nagdalawang-isip ako kung babangon ako dahil sa suot ko. "Can you wait for me downstairs, Samuel? Give me five minutes." "No! Dito na kita hihintayin. You can change your clothes inside the bathroom." Humiga na siya sa tabi ko at itinaas ang paningin matapos ilagay ang mga palad niya sa ilalim ng kaniyang ulo. "Just make it fast, honey. Nagugutom na ako." At dahil hindi naman siya nakatingin ay agad akong bumangon at bumaba sa kama. Patungo na ako sa walk-in closet nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa aking likuran. Para akong naistatwa kasabay ng tila kuryente na dumadaloy sa buo kong katawan. "You are so sexy, honey," bulong niya. "Haven't I told you not to wear something that might make me go crazy?" Isang mahabang buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya. "Sh*t! Kung hindi ka lang seventeen years old..." "Eighteen na ako ilang araw mula ngayon." Napapikit ako habang dinadama ang yakap niya. Ganitong yakap ang gustong-gusto kong maramdaman. Iyon bang yakap na parang ayaw na akong pakawalan. Iyong yakap na halos madurog sa mga buto ko sa buong katawan. "Oh, Lea honey." Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo at segundo lang ang dumaan ay unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala ang tila kuryente na kani-kanina lang ay naramdaman ko. Kinabahan ako dahil baka may naamoy siya sa akin na hindi maganda kaya agad ko siyang hinarap, subalit napansin ko ang mga mata niya na nakatitig sa mukha ko pababa sa aking dibdib at bumaba pa sa aking puson. Nahagip ko ang sunod-sunod na paglunok niya saka ipinikit ang kaniyang mga mata. "Get inside the bathroom, Lea." Paos ang kaniyang tinig at hindi ko iyon maintindihan. "Please..." Pabagsak siyang naupo sa gilid ng aking kama at sinabunutan ang sarili niyang buhok. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kaniya kaya pumasok ako sa walk-in closet at doon na ako nagpalit ng damit. Isang sleeveless dress na kulay peach ang isinuot ko. Lagpas-tuhod ang laylayan niyon kaya hindi na siguro magrereklamo si Samuel. Hindi naman iyon maiksi. Tama lang para sa lunch date, kung date nga na matatawag iyon. Wala na si Samuel nang lumabas ako ng walk-in closet. Nagsuklay na lang ako ng buhok at pagkapos maglagay ng pulbos ay bumaba na ako. Naroon na siya sa living room, nakatayo at nakatanaw sa labas ng bintana. "I'm ready," wika ko habang pababa ng hagdan. Napatingin siya sa gawi ko. Tipid siyang ngumiti habang hinihintay ako na lumapit sa kaniya. Si Ate Ana ay natanaw ko sa labas at nagsasampay ng mga nilabhan. "You are making me crazy," bulong niya sa tainga ko. "Is that a bad thing, Samuel?" Ngiti lang ang isinukli niya kaya inirapan ko siya. Mas lalo tuloy siyang napangiti. Hindi ko na tuloy maintindihan ang mga ikinikilos niya. Parang taliwas sa mga sinasabi niya. "It isn't a bad thing, right?" muli kong tanong. Para kasing ang saya-saya niya pa. Tumango siya. "You are making me crazy in love with you." Natigagal ako. Napatitig ako sa kaniyang mukha. Napansin ko ang pag-awang ng kaniyang labi. Tila ba gusto niya rin akong halikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD