"OKAY ka lang ba?" tanong sa akin ni Carol. Kasalukuyang tinungo namin ang aming mga locker. "I'm feeling really down, Carol," sagot ko rito. "Dahil ba ito sa katotohanang sinabi mo? "Have you tried talking to your dad?" "Ang totoo, hindi pa pwede. Iniiwasan kong magkasagutan kami." Nakatitig lang ako sa aking notebook kung saan kailangan kong mag-review sa ilang lessons. "Tama ang ginawa mo, pero karapatan mo pa ring malaman ang buong katotohanan, Au." "Alam mo bang tumawag sa akin si Royce kagabi? Kaya lang hindi ko sinagot. Carol, ayoko na siyang makausap. Mas lalo ko lang kasi siyang mamimiss," tugon ko rito. "Mas mabuti ang ginawa mo, kahit pa nga sabihing masakit." "Yeah, sobrang sakit. Iyong taong natutunan kong mahalin ay kapatid ko pala." Bakas sa aking boses ang pait at s

