Chapter 6: Scandal

1671 Words
Masakit ang ulo ko nang magising kinaumagahan. Para bang binibiyak ang sentido ko. I couldn’t remember what happened last night. Well, except for one blurry scene. I was with Kean… so where the hell am I now? Dali-dali kong iminulat ang mga mata ko. Only to realize… nasa sariling kwarto ko ako. Narinig ko ang umungol sa tabi ko kaya agad akong napalingon at halos tumalon ang kaluluwa ko nang makita kong hindi iyon si Ariesa. Kean was sleeping beside me. Damn it. We slept together in one bed? Holy cow. “Kean, wake up!” tiling bago ko pa napigilan. Naalimpungatan siya, umupo, at kinusot ang mga mata. “It’s too early… and you’re too loud,” iritado niyang sabi. “W–what did you do to me?!” sigaw ko, halos mabasag ang boses ko. Napaatras siya, halatang nabigla. “f**k. What the hell—excuse me?” “You and m-me… we slept in one bed. That means w-we did… that thing?” nanginginig kong tanong. Halos napasabunot siya sa buhok niya. And God—bakit parang mas gumwapo siya pag frustrated? Miles, stop. Stop that green thought. “Did you really wish that happened, huh?” pang-aasar niya. “Just answer my damn question! We did it or not?!” “Look at yourself under the blanket. If you still have your clothes, you have your answer.” Ginawa ko naman. Nasa ayos pa rin ako. Kumalma nang kaunti ang dibdib ko. “But still,” reklamo ko, “hindi ibig sabihin nun na totally relieved na ako. Malay ko bang sinuotan mo lang ako ng damit pagkatapos mo akong—" “Miles.” Tumayo siya, halatang naiinis. “For your damn information, and para magkaroon ka ng peace of mind. I don’t do anything with a drunk girl. Ever. It won’t satisfy me.” Tumingin siya diretso sa’kin, seryoso. “If I ever do something with you, I’ll make sure you’re fully awake and all your attention is on me.” Namula ako. Literal na namula ako. Gusto kong lumubog sa sahig. Should I believe him now? “s**t,” bulong niya. “Do you feel sore down there then?” And that hit me. Wala naman akong nararamdaman. In fact, I feel completely normal. Napabuga ako ng hangin. Great. I panicked for nothing. Bumasag sa pagitan namin ang biglang pag-ring ng cellphone niya. Lumapit naman siya sa bedside table saka kinuha iyon. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. “Damn. Lagot ako nito kay Mommy,” aniya nang makita ang tumatawag. Napailing muna siya bago sinagot iyon. “Yes, Mom. I’m sorry, dito na ako natulog sa kaibigan ko,” tiningnan pa niya ako bago nagpatuloy. Napa-taas lang ang kilay ko habang patuloy na pinagmamasdan siya. “Of course not, Mom. I know. Yes, natatandaan ko lahat. No, nothing happened, Mom. Yes, I’m doing good. Okay, uuwi ako after this. Tell Dad not to worry anymore.” Para siyang matinong tao kapag kausap ang Mommy niya. I bet he’s a total mama’s boy. Bahagya pa siyang natawa habang nagpatuloy. “Okay, I will, Mom. Greet Kelly and Lian good morning for me. Bye now.” I turned my gaze away and stretched a little. Napasulyap ako sa wall clock. Past six na pala. Kahit nahihilo ay tumayo pa rin ako. Hahanap nalang ako ng gamot para mabawasan ang kirot. And I need to fix myself before going to school. “I need to go home now. Mommy was screaming at me earlier. Your best friend called last night. Sabi niya hindi raw siya makakauwi. Just take your meds and see you at school.” Mabilis niya iyong sinabi, which only made my head spin even more. Hinagilap ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko. Where the hell on earth did Ariesa go? I tried calling her but she’s out of coverage. Napasimangot ako. Nauna na siyang mag-ayos ng gamit. g**o-g**o ang buhok pero hindi niya na iyon pinansin. Hinatid ko siya hanggang pinto kahit pa bangag pa ako. He didn’t say anything. Basta nalang siyang pumasok sa sasakyan niya sa labas. Hindi man lang lumingon. What did I expect? I’m still nothing to him. Papasok na sana ako nang bigla siyang bumusina. “I’ll fetch you in your room later. Sabay tayong mag-lunch mamaya. I have to go, babe.” And with that, pinaandar niya na agad ang sasakyan. Ang kanina’y nakasimangot kong mukha, napalitan ng malapad na ngiti. Pumasok ulit ako sa loob para maghanap ng gamot. Tinawagan ko pa si Ariesa pero wala pa rin. Lagot talaga siya pag-uwi niya. Nagluto ako ng breakfast, pagkatapos ay dumiretso sa banyo para maligo. PAPASOKna sana ako ng Northville pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Pilit ko na lang itong binale‑wala at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway, pero napansin kong may ilang estudyante ang napapatingin sa’kin… tapos bulungan nang bulungan. Kumunot ang noo ko. Sinipat ko ang sarili ko. Maayos naman. I checked everything before leaving the house. So ano’ng problema nila? Gusto ko sanang i-ignore pero natigilan ako nang marinig ko ang malakas na usapan ng isang grupo sa gilid. “I can’t believe she can do that. Wala pa sa itsura niya,” sabi ng babaeng halatang senior na. “Well, looks can be deceiving, dear. Innocent outside but wild inside,” sagot ng isa. “Do you think she’s still a virgin?” “Haler! Obviously, naikama na siya ni Kean. Siya pa nga siguro ang nag-insist. Nakita naman natin sa video.” Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Hindi ko napigilan at huminto ako sa harap nila. “Ako ba ang pinag-uusapan niyo?” tanong ko, hindi na tinatago ang inis. Tinaasan lang ako ng kilay ng mukhang clown na babae. “Sino pa nga ba? May lakas ka pa talaga ng loob pumasok after kumalat ng scandal video mo,” sabi niya. Napatigil ako. “Pardon?” “Oh, girl. Don’t fool us. We already saw it. Your scandal from Finnler’s party. Gosh. Nawasak ka na ba ni Kean, o nagpawasak ka? Which one do you prefer?” Para talaga akong sasabog sa galit. Nangangati ang mga kamay ko sa sinabi niya. “What video is that? Since when nagka-scandal ako?” singhal ko. “Playing innocent? Nagkalat na sa buong school. You’re aggressively kissing him at kitang-kita kung gaano ka kahayok. You almost did it there, for goodness’ sake! Don’t you know you were in a crowded place?” Mas lalo akong napatigil. Sino'ng walanghiyang nag-video? “Poor girl. Get ready. Celebrity ka na simula ngayon.” Sabay-sabay pa silang tumawa bago lumakad palayo. Ako naman, nanlulumong nakatayo lang sa hallway, parang biglang gumuho ang buong mundo ko. Hindi pa rin nagsi-sink in iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na parang nawalan na ako ng lakas. May nadaanan pa akong mga kalalakihan na nakatutok sa mga cellphone nila at napapahalakhak pa sabay sulyap sa akin. Kaagad ko silang sinugod at hinablot ang cellphone na hawak ng isang lalaki. Kitang-kita ko kung anong video ang sinasabi nila. Iyon 'yong nakapaibabaw ako kay Kean at naghahalikan kami sa sofa. My stomach dropped.. The video takes only thirty seconds. Napatiim-bagang na lang ako. “Sinong nagpakalat nito?” tanong ko sa kanila. “We don’t know. Pinasa lang sa amin.” Pinaningkitan ko silang lahat. Fvck them. “What did you offer him? Can I have your service too?” tanong ng isang chinitong blond ang buhok, nakangisi pa. “Bastos ka,” singhal ko. “Come on, don’t play hard to get, Miss. I can give you my best performa—” Hindi ko na siya hinayaang matapos. Sinuntok ko siya nang malakas, diretso sa panga. “Go to hell! Fvckboy!” Sigaw ko iyon bago ako nagmartsa palayo, halos nanginginig sa galit. Narinig ko pa ang pagmumura nila, pero hindi ko na inintindi. I swear, malaman ko lang kung sinong walang-hiya ang nag-video at nagpakalat no’n, magkakagulo talaga. Malapit na ako sa classroom namin nang harangan ako ng isang grupo. Sinamaan ko sila ng tingin. “Get out of my way,” madiin kong sabi. “Malandi! You really have the guts to show your face here!” Agad akong hinila sa buhok ng leader nilang mukhang palaka. Napamura ako. Hindi ko inasahan na ganito agad ang aabutin ko. “I don’t pull hairs; I punch faces.” Sa galit ko ay gano'n na nga ang ginawa ko. I don’t care what will happen next. I just want to get even. Nagulat nalang ako nang may sumampal sa akin. Ang iba ay nakikisabunot na rin. Dehado ako. Lima sila, mag-isa lang ako. Kinalmot ko lang ang mukha nang babaeng nagpupumilit hilain ang buhok ko. Binigyan ko rin nang malutong na suntok sa mukha ang nanampal sa akin. “How dare you to flirt with Kean?” “b***h! It’s not my thing to flirt with him, boba!” sigaw ko. “Matapang ka pa talaga! Girls, ngayon na.” Isa-isa namang may inilabas ang mga alipores niya. Pinagbabato ako ng kung ano-ano. They even held the trash bin and throw it to me. Damn. It hurts. Nagkalat ang basura sa paanan ko. Ramdam ko rin ang pagdaplis ng bakal sa braso ko. Nagsitawanan naman sila. “Bagay lang 'yan sa basurang kagaya mo. Iyan ang napapala ng mga haliparot!” Namalayan ko na lang ang mainit na likidong pumatak sa pisngi ko. I’m almost crying. I can feel the pain too. Tumakbo ako papaalis doon at muli na naman nila akong tinawag ng kung ano-ano. Pinagtitinginan lang ako ngayon ng madadaanan ko. Gano'n pa rin, nagbubulungan. This is one hell of a humiliation. At ang gumawa at nag-leak ng put*nginang video na ‘yon? Magbabayad sila. Big time. Where are you, Kean? Do you even have the slightest idea what kind of mess I walked into today? Great. What a beautiful way to start my morning. A scandal. Perfect.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD