I feel so dumb right now. Nang makita ko ang daan patungong rooftop ay kaagad ko iyong tinahak. Nagmamadali kong binuksan ang pinto niyon. My tears kept falling down my cheeks, no matter how much I tried to stop them. Nang mabuksan iyon ay kaagad akong pumasok. Unang sumalubong sa akin ang malakas na ihip ng hangin. Tumakbo ako patungo sa mga tambak na mga kahon at doon nagsusumiksik sa tabi.
Bakit nangyayari ito ngayon sa akin?
Ang tingin ng lahat sa akin ngayon ay malandi.
Gano'n na ba ako?
All I could hear were my own quiet sobs. Gusto ko na lang sumigaw nang malakas, hoping it would somehow ease the pain eating me alive. Siguro nga… malandi ako. Siguro tama sila. I wanted Kean’s attention so badly na hindi ko na naisip kung anong gulong kaya nitong gawin. Sobrang desperada ko pala.
What now?
Kaya ko pa bang humarap sa mga tao?
May mukha pa nga ba akong ihaharap?
All I can do now is to cry. Isinubsob ko lang ang mukha ko sa tuhod ko at lalong napahagulgol. Ang tanga-tanga ko kasi. Hindi ako nag-iisip.
Hindi ko na namalayan kung gaano na ako katagal doon. Iyak lang ako nang iyak na halos hindi magkanda-ubos-ubos ang nga lintek na luha ko. Marahan kong iniangat ang ulo ko nang marinig ang lagitnit na nanggagaling mula sa pintuan.I also heard a gentle voice, like someone was quietly speaking behind my sobs.
Tuluyang bumukas ang pinto at humihingal na pumasok doon si Kean. Natigil naman ang paningin ko sa kanya. Pawis na pawis din siya animo'y kagagaling lang sa pagtakbo. Napakagat-labi lang ako saka iniiwas ang paningin ko sa kanya. Pinahiran ko rin ang mga luha ko at inayos ang sarili. Nanatili pa rin akong nakaupo habang siya naman ay dahan-dahan lang sa paglapit sa akin.
I don't want him to see me like this. s**t.
"Are you okay?" tanong niya. May halong pag-aalala iyon ngunit, hindi ko siya sinagot. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kung saan. Naramdaman ko ang pagyuko niya. Nang sulyapan ko siya ay nasa harap ko siya ngayon. Iniangat niya ang mukha ko pero, hinawi ko lang iyon.
"Why are you here?" halos bulong lang iyon. Nawalan na rin pala ako ng boses kakaiyak. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ngayon lang siya. Kung bakit wala siya kanina nang dumugin ako. Wala siya kanina para ipagtanggol ako. Ngunit, hindi ko magawa.
"I'm sorry. I heard what happened and I’ve been looking for you the whole time. May masakit ba sa ’yo? Tell me, please."
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Marahan niyang iniharap ang mukha ko sa kanya at pinunasan ang luha ko.
"Damn. Sorry. Ssh, don’t cry, babe," he murmured. Hinila niya ako palapit at kinulong sa yakap niya. Doon na ako tuluyang nanghina, doon ako bumigay. I cried and cried as he held me, one hand stroking my hair, the other tightening around me as if he could somehow shield me from everything.
"Someone took a video of us last night. K-Kean, it's everywhere. Everyone thinks I’m a s**t… na finlirt kita. A-Ano na lang mangyayari sa akin?"
"Don’t worry," seryoso niyang sagot. "Kumikilos na ngayon ang Taurus para mahanap kung sinong nagpakalat no’n. Pati na rin ’yong mga nanakit at nambastos sa ’yo kanina. One of my brods told me everything. f**k them. Magbabayad sila."
Sa kalagitnaan niyon ay nag-ring ang cellphone niya. Sinagot naman niya kaagad iyon kaya, bahagya akong lumayo sa kanya.
"Yes, Gio? Hmm, nahanap ko na siya. Kumusta na?" bungad niya. Tumingin naman siya sa akin habang mataman akong nakikinig.
"Sige. Bababa na kami. Kompleto ba lahat? Good. Hintayin niyo kami. Make sure na hindi makakawala ang mga 'yan. Okay, bye." Kaagad siyang tumayo at inilahad ang kamay sa akin. Tiningnan ko lang iyon saka umiling.
"Let's go, please."
Muli ay umiling ako. "Dito lang ako. A-Ayoko pang bumaba," sagot ko.
"Hindi ka na nila masasaktan. I'll make sure of that. Hangga't nasa tabi mo ako, I'll do my best to protect you. No one can harm my babe, alright?" pagsisiguro niya. Wala na akong nagawa nang hilain niya ako patayo. Hinawakan niya muna ang mukha ko at inayos iyon. Hinawi niya rin ang buhok ko at nilagay sa iisang parte. Iniangat niya pa ang braso ko pagkatapos at nagtiim-bagang. Puno iyon ng kalmot at mamula-mula pa kaya pilit ko iyong binabawi sa kanya.
"Kailangan natin silang pagbayarin. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanila pagkatapos nito. Gagamutin din natin itong mga sugat mo," mahinahong saad niya. Hindi naman ako umimik.
Bago kami tuluyang umalis ay hinila niya ako at muling niyakap. "Ito ang una't huling beses na masasaktan ka ng kung sino. Hinding-hindi na sila makakaulit pa." Naramdaman ko na pa ang paghalik niya sa ulo ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko para umalis na.
Para akong bata na nagtatago sa likod niya nang makababa kami. He’s holding my hand securely now, as if he’s afraid I might slip away from him again. Nang tuluyan kaming makababa at naglalakad sa kahabaan ng field, hindi naman maialis ang mga matang nakatitig sa amin. Nagbubulong-bulungan din sila na mas lalo kong kinairita. Nahalata naman siguro iyon ni Kean kaya, huminto kami. Bumuntong-hininga muna siya bago inilibot ang paningin niya.
"Listen. Whoever touched my girl, even an inch of her skin, will pay for it. You don’t get to do that. Ever. Ako mismo ang makakalaban niyo. Hindi ako mabuting kaaway kaya humanda kayo." Parang hinaplos ang puso ko sa mga sinabi niya. Is this even real? Takot lang ang nakita ko sa mukha ng nga estudyante. Kanya-kanya silang nagsipag-alisan pagkatapos.
Muli ay ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Napagtanto ko na lang na papunta kami sa gymnasium. Kinakabahan ako.
Pagpasok namin doon ay marami-rami ang naroon. Halos karamihan ay ang Taurus at sa gitna naman ng court ay may mga estudyanteng nakaluhod. Naroon ang apat na babaeng pinagtulungan ako. Ang grupo ng mga lalaking nambastos sa akin. Nakaluhod din habang umiiyak ang mga babaeng naka-enkuwentro ko sa club. Katabi nila ay ang tatlong lalaki na namamaga ang mga mukha.
"Sila ang nagpakalat ng video, Kean. Savanna, Ariela, Michelle, Dianne, Benjo, Alfred at Jumbo." Sa pagkakaalam ko ay si Gio iyon. Sikat din siya sa buong Northville.
Tinuro naman niya ang grupo ng lalaking nambastos sa akin kanina. "Bryan, Tyler at Richard. Sila 'yong nakita kong nambastos naman kanina kay Miles," dagdag pa nito.
Huli niyang itinuro ang mga babaeng nanakit naman sa akin. "Pinagtulungan naman siya ng mga babaeng 'to. Sinabunutan, sinampal, kinalmot at binuhusan ng basura." Napahigpit ang hawak ni Kean sa mga kamay ko. Nanginginig din siya habang tiningnan isa-isa ang mga kaharap namin. Gustong-gusto kong pagsisipain silang lahat!
Tinuon niya ang atensiyon sa unang ipinakilala ni Gio sa amin. Ang mga salarin na nagpakalat ng video.
“Give me an explanation why the f**k did you leak that damn video and who took that s**t?!” galit na sigaw niya.
Kaagad na lumapit si Talking Snake, kumapit sa tuhod niya at humagulgol.
“I-I'm sorry, Kean. We didn’t mean to… N-Nadala lang kami. Inutusan lang kami nina Benjo na videohan kayo.”
Pinalis lang ni Kean ang kamay nito, kaya napaatras ito. Kitang-kita ang panga niya na nag-igting. Kaagad niyang binitawan ang kamay ko at sinugod ang isa pang grupo.
“Gago ka talaga! Hindi ka pa ba nadadala? Alam niyo ba kung anong naging epekto no’n sa kanya? She was hurt and harassed by this f*****g shits!”
Napasinghap na lang ako nang suntukin niya ito. Natumba ang lalaki, hawak-hawak ang mukhang dumugo.
“Ang akala namin, balewala lang siya sa’yo. Akala namin, isa lang siya sa mga babae mo kaya—”
Huli na. Pinalipad na niya ang kamao niya sa lalaking nagsalita. Nakahandusay na ito sa sahig. s**t.
“Babae ko? Bakit? Kailan ba ako nagkaroon ng babae ha? She's the only girl I ever had. Do you hear me? Kaya anong karapatan niyong kuhanan kami ng gano’n? Why do you f*****g care if we kissed there?”
Gigil na tanong niya. Gusto ko siyang awatin, pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Nakatungo lang silang lahat at nanginginig. Narinig ko pa ang pag-iyak ng mga babaeng pinagtulungan ako. Kaya naman, sa kanila nabaling ang atensiyon niya at pinuntahan ang mga ito. Nanlalaki naman ang mga mata nila habang napapaatras.
"Kayo naman. Ano rin ang karapatan niyong saktan siya? Sino ang nagbigay sa inyo ng permiso na hawakan siya ha? Kita niyo 'tong ginawa niyo sa kanya? Eh kung sa inyo ko gawin 'yan ha? Anong mangyayari sa inyo? Hindi niyo ba nakikita ang mga sarili niyo? Apat kayong pinagtulungan siya, paano siya makakalaban ha? f**k you! Kung hindi lang kayo mga babae, ay binalik ko na sa inyo ang ginawa niyo sa kanya!" Napapikit na lang ako. Natatakot na rin ako ngayon. Ibang-iba ngayon ang Kean na kaharap ko. It was his monstrous side. Nakakakilabot.
Tiningnan niya ang ibang miyembro ng Taurus at tinanguan. Tila hudyat naman iyon sa kanila. Nagulat na lang ako nang may bitbit silang nga basurahan. Walang alinlangan naman nila itong ibinuhos sa mga babae. Nagsusumigaw lang sila sa pandidiri.
"Ew!"
"Ang baho, huhu!"
"I can't take this!"
"Maawa kayo sa amin!"
"Alam niyo na ngayon kung anong naramdaman niya nang binuhusan niyo sa nito?" sarkastikong tanong ni Kean. Napahagulgol ang mga ito at hindi nakasagot.
Napalunok naman ako nang huli niyang lapitan ang nambastos sa akin. Gusto kong takbuhin ang distansiya namin at pigilan siya. Ayaw ko nang palakihin 'to.
"K-Kean..." Mahina lang ang pagkakasabi ko niyon.
Binalingan niya lang ako pero kaagad niya ring ibinalik sa mga ito ang paningin niya.
"Sino sa mga ito?" tanong niya.
Tinuro lang ng isang lalaki ang chinito na pasimuno kanina. Kinuwelyuhan niya naman ito sabay sapak sa mukha nito.
Damn. Sobra na 'to.
"Anong sinabi mo sa kanya ha? Gusto mo ng serbisyo niya? Gago ka! Anong akala mo sa kanya?" Hindi naman nakasagot ito. Tiningnan pa niya ako nang may pagsusumamo.
"P-Pasensiya ka na. Nagbibiro lang naman ako eh," katwiran nito.
"Tangina! Biruin mo na ang lahat 'wag lang siya! Nakakatuwa 'yon sa tingin mo ha?" Hindi na ako nakapagpigil at inawat na siya.
"Kean... t-tama na," pagsusumamo ko. Napabuntong-hiningal siya at bintawan ito.
"Subukan niyo lang ulit na galawin siya, hindi ko na kayo sasantuhin. Miles Roque is my girl. Once you lay your f*****g filthy hands on her, sa hukay na kayo aabutin," malamig na sabi niya. Hinawakan niya lang ang kamay ko at hinila palayo sa mga ito.
"S-Sandali lang," pag-awat ko sa kanya.
"Why?"
"Gusto ko silang mag-sorry sa akin," ani ko. Tumango lang siya at muli namin silang hinarap.
"Narinig niyo siya? Humingi kayo ng tawad sa kanya, ngayon din," utos niya.
"Sorry, Miles."
"Patawarin mo kami."
"Hindi na mauulit."
"Pasensiya ka na." Sabay-sabay na sabi nila. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Tumango lang ako saka tiningnan sila isa-isa.
"Ang sugat na ginawa niyo, maghilom man ngunit, hindi na nito maiaalis ang peklat. Ang mga salitang ibinato niyo sa akin, marahil ay lumipas man ang panahon ngunit hindi ko iyon malilimutan. Ang pagpapakalat sa video'ng 'yon, makalimutan man ng ilan ngunit hindi na niyon mababago ang tingin nila sa akin. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. At sana, hindi na 'to mauulit pa. Kaya kong magpatawad ngunit, hindi niyo basta-basta maiaalis ang lahat ng ginawa niyo sa akin. Gusto kong magalit sa inyo pero, hindi naman ako bato para hindi maawa. Tama na rin 'yong inabot niyo ngayon. Sana may nakuha kayong leksiyon at aral sa mga ginawa niyo. Walang naidudulot na maganda insecurity sa mga tao." Pagkatapos no'n ay tinalikuran ko na sila.
"Kayo na ang bahala sa mga 'yan. Siguraduhin niyong hindi na natin sila makikita pa sa buong Northville," utos niya.
Binalingan niya ang isang kasamahan niya. "Nabura na ba lahat ng may kopya no'n, Lance?" tanong niya.
"Burado na lahat. Pero, nakarating na 'yon kay Dean at hindi ko lang alam kung ano ang naging reaksiyon niya," sagot ni Lance. Kinabahan naman ako. Kung nakarating nga kay Dean iyon, katapusan na ng scholarship ko. s**t.
"Ako na ang kakausap sa kanya," sagot niya.
Umalis na kami roon at hindi ko na nasundan pa kung anong gagawin nila sa mga iyon. Ang tanging iniisip ko na lang ngayon ay ang sasabihin ni Dean. Paniguradong mamimiligro ang scholarship ko.
“Don’t stress yourself too much, babe. Kakausapin ko si Dean. I’ll explain everything to her. Don’t worry, okay?”
Pilit akong tumango sa kanya. Huminto naman siya at hinarap ako sa kanya.
“Starting now, I’ll do my best to protect you. I can’t stand seeing you cry like that. I’m just here…”
“Thank you, Kean…”
"It's babe," pagtatama niya.
"Babe."
Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo ko. Halos lumundag naman ang puso ko sa ginawa niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. Baka kasi, naglalaro lang siya. Pero, kita ko naman ang sinseridad sa lahat ng mga ginagawa niya. s**t. Nililito mo na ako, Kean.
Litong-lito na ako sa 'yo.
Gusto mo na ba ako?