Chapter 8: Feelings

1448 Words
Dumeretso na kami sa Dean's office pagkatapos. Nakahawak pa siya sa mga kamay ko habang hindi naman matigil ang pagrigodon ng makulit kong puso. Sa kabila ng mga nangyari, hindi ko pa rin maiwasang hindi matuwa. The feeling of him being my knight in shining armor and me his damsel in distress… it’s like a dream come true. Tahimik lang kaming dalawa nang pumasok kami sa loob. "Good morning, Dean." Nag-angat ito ng tingin sa amin at sa huli ay sa akin niya itinutok ang atensiyon niya. "Mabuti naman at ikaw na mismo ang pumunta rito sa office ko, Ms. Roque. Have a seat," aniya. Tumalima naman kami kaagad sa sinabi niya. Inokupa namin ng magkaharap ang visitor's chair. Kinakabahan kong tiningnan si Dean na nakataas lang ang kilay. "You already saw the video right, Dean?" nanginginig na tanong ko. Bumuga siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot. "Yes, I did. And it’s not the act that disappoints me… it’s you, Ms. Roque. Nasa agreement iyon ng kontrata mo bilang Dean's Lister hindi ba? May rules and regulations din tayong sinusunod sa university'ng ito na nilabag mo." Sa tono ng pananalita niya ay alam ko na kung saan hahantong ito. s**t. Hindi puwedeng mawala ang scholarship ko. “Can I at least have my opinion here, Dean? Hindi lang naman po siya ang lumabag dito. I also have my part. And honestly, that video means nothing. We’re in a relationship, and it’s natural for us to kiss whenever we want. Besides, that club is a public place. Labas iyon sa school premises,” mahinahong sabi ni Kean. “Yes, I know, Mr. Buenaventura. But she is a Dean’s Lister. Dapat ay maging huwarang modelo siya sa kapwa niya estudyante. What do you think will other students assume after seeing that kind of video? We don’t tolerate behavior like that,” mariing tugon ng Dean. Gusto ko ring mainis. Mas malala pa nga ang ginagawa ng ibang babae rito. Tapos simpleng violation lang, gusto na agad akong parusahan. “I’ll accept the consequence, Dean. Pero sana… sana hindi maapektuhan ang scholarship ko. I want to graduate here. I can’t afford to lose it. Importante po iyon sa akin,” halos naiiyak kong sabi. “I’m sorry, Ms. Roque, but—” “I will pull out all of my father’s donations in this school if you take away her scholarship.” Pareho kaming napatigil ng Dean. I froze. Kean looks dead serious—too serious. Damn it, Kean. “Kean!” sigaw ko, shocked. “Mr. Buenaventura, you don’t mean that, right?” tanong ng Dean, halatang kinakabahan. He just shook his head slowly. “I’m serious, Dean. If you take her scholarship, I’ll take back everything we’ve contributed. Kahit ‘yong investment. And I don’t think you want that to happen… do you?” Hindi naman makasagot si Dean at nagpabalik-balik pa ang tingin sa aming dalawa. Napakagat-labi naman ako. Sinuri ko lang si Kean at hindi rin nabago ang seryosong ekspresiyon niya. "So, what will be your decision? Answer me so that we can leave. She has bruises in her arms at kailangan ko pang gamutin iyon." Napailing nalang si Dean saka bumuntong-hininga. "Alright. Hindi ko na gagawin iyon. Pero sana, hindi na maulit ito. Kung gagawa man kayo ng milagro, please do it in a private please. All I care is about this school. You may leave now." Pigil ang hininga ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Pero sa huli, nagpasalamat na lang ako. "Thank you, Dean. Hindi na po talaga mauulit." Tinanguan naman niya ako kaya, hinila na ako ni Kean patayo. Lumabas na kami roon habang lutang pa rin ang isip ko. Tama ba iyong ginawa niya? I don't want him to meddle with it. Kung anuman ang dapat na kahaharapin ko ay tatanggapin ko. Ayaw kong pinapakealaman ako. Lalong-lalo na iyong scholarship ko. Pinaghirapan ko iyong makuha. Bumangon naman ang inis sa dibdib ko. Imbes na magpahila sa kanya ay tinabig ko lang ang kamay niya. Nagtataka naman siyang nilingon ako. "Hindi mo na sana ginawa 'yon at hinayaan mo na lang akong makiusap," ani ko. "What?" naguguluhang tanong niya. "Nakialam ka eh!" singhal ko sa kanya. Kunot-noo naman niya akong tiningnan. "What's the problem with it?" "That's my scholarship!" inis na sigaw ko. "And?" "s**t! Kean naman! Sana hindi kana nakialam at hinayaan mo na lang akong makiusap!" Napatiim-bagang lang siya at lumapit sa akin. "Do you think if you beg at her, she'll listen on you? Magsasayang ka lang ng oras mo," aniya. "Kaya dinaan mo sa pananakot?" "Definitely. Pera ang nagpapaikot sa mga tao. Sometimes, you need to use your power in order to protect yourself," kalmadong saad niya. "Eh sa wala ako no'n! Iyon nga lang scholarship ko ang pinanghahawakan ko eh!" dagdag ko pa. "That's why I'm using mine. I'm using my power to protect you. Akala mo ba hahayaan ko na lang na mawala sa 'yo 'yon? I know how much you value your scholarship. It's my fault anyway. And please, don't give me that look. Kailangan pa nating pumuntang infirmary para magamot ko na iyang mga sugat mo. Don't overthink please, as long as may magagawa ako, hindi kita hahayaang mahirapan. 'Wag nang matigas ang ulo mo. If it's about your pride that's why you're mad at me for doing that, please forget that." Halos kapusin ako ng hininga sa sinabi niya. Wala na akong mahagilap na salita. Kusang umurong ang dila ko at sa tingin ko ay napahiya lang ako. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at mabilis kaming naglakad papuntang infirmary. Nang makarating kami roon ay kaagad kaming sinalubong ng nurse. "Give me a cold compress and your first aid kit," maotoridad na utos niya. Saglit pang napatulala ang nurse sa kanya ngunit, kaagad ding tumugon. Iginiya niya ako papunta sa isang higaan at doon pinaupo. "Stay here. Masyado nang namamaga iyang braso mo." Nanatili lang akong walang imik. Hindi rin ako makatingin ng deretso sa kanya. Kaagad din namang nakabalik ang nurse dala-dala ng mga hiningi niya pagkatapos ay umalis din at naiwan kaming dalawa. Hinila niya ang isang upuan at naupo sa harap ko. Dahan-dahan niyang kinuha ang braso ko. Kumuha siya ng iilang bulak at nilagyan iyon ng betadine para gamutin ang sugat ko. Tiningnan ko lang siya habang seryosong ginagamot iyon. "Sabihin mo lang kung masakit at dadahan-dahanin ko," aniya. Hindi naman ako nakaramdam ng hapdi sa ginagawa niya. Marahan at masuyo lang iyon. Titig na titig ako sa kanya habang nagko-concentrate siya sa mga sugat ko. Nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko. Siguro nga sumobra ako. Gusto lang naman niyang tulungan ako at ginawa kong big deal iyon. Should I say sorry to him then? Shit. Okay, kasalanan ko nga. Marapat lang na humingi ako ng tawad sa pagtaas ng boses ko kanina. Napakagat-labi muna ako bago nag-ipon ng lakas ng loob. "Sorry." Natigil naman siya saglit ngunit muli ding nagpatuloy. "Sorry kasi, sinigawan pa kita kanina. Imbes na magpasalamat ay nagalit pa ako. Tama ka nga, dahil sa pride iyon. Nasanay na akong pinaghihirapan ko ang lahat ng mayroon ako na hindi umaasa sa ibang tao. I’ve been so harsh on you, and that’s why I’m asking for your forgiveness. And… thank you. Thank you for saving me, for protecting me, and most of all, for taking care of me. Kulang na lang isipin kong nahuhulog kana sa akin." Nagawa ko ring ngumiti sa huling sinabi ko. Tumigil naman siya sa ginagawa niya at hinarap ako. Hindi na siya nagsalita at hinigit ako papunta sa kanya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa akin. Ito ang pang-apat na beses na naghalikan kami. Nililista ko iyon para na rin hindi ko malimutan. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko habang patuloy kami sa paghahalikan. The tenderness of his kiss sends shivers down my spine. Nang maghiwalay ang mga labi namin, tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata ko. “I can’t stay mad at you. Kahit anong gawin mo, hindi kita matiis. I guess you’ve injected a d**g into me—and that d**g is you. Gusto kong malaman mo na simula ngayon, nandito lang ako para protektahan ka, iligtas ka, at alagaan ka. At kung tatanungin mo kung nahuhulog na ba ako? Kaunting-kaunti na lang. Kaunti na lang para tuluyan na akong sumuko sa’yo. Nakakabaliw ka.” Para bang bomba ang sumabog sa lahat ng sinabi niya. At ang hatid ng pagsabog na ‘yon ay isang nakakagimbal pero napakasarap na kasiyahan. Totoo ba ‘to? It means… he already has feelings for me. Oh s**t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD