Zykie's POV "Ano Zy nagustuhan mo ba?" tanong ni Lindsy habang ang lapad ng ngiti niya sa akin. "Oo naman. Ang gaganda nga eh-" ipinapakita niya ang mga designs niya na magiging uniforms namin sa magaganap na Ball Game next month. "Hihi! Ikaw Zy, baka may gusto ka pang idagdag. Ok lang sa akin. Feeling ko naman mas madaming nalalaman ang mga future engineer na katulad mo." napangisi naman ako sa tinuran niya. "Ano ka ba naman Lind? Uniforms lang naman ang mga to- Hindi naman to buildings o bahay para usisahin pa masyado. Sapat na yan! Ang gaganda kaya. Hindi ka lang pala bagay maging architect, bagay ka ding maging fashion designer!" napahagigik naman siya sa mga natanggap niyang mga papuri mula sa akin. "Hayaan mo, kapag sinipag akong mag-aral ulit. Magiging future designer din ako."

