Naglakad na palayo si Shara bitbit ang resume form niya na ngayon ay lukot-lukot na. Naiinis kasi siya kay Bryle kaya sa hawak na form niya naibuntong ang panggigigil niya. Pagkalabas ng Secretary ni Bryle sa office niya agad niya binuksan ang computer niya kung saan naka-connect ang mga CCTV footage. Malaya niyang napanood ang pag-uusap ng Secretary niya at Shara. Pinipilit niya ang sarili na wag maawa sa dalaga. Kailangan niyang magmatigas dahil ganoon naman siya noon pa. Walang awa sa kahit na kanino. Nagulat siya nang makita niya si Shara na tumigil sa harapan ng Shop niya. Nakatingin siya ng masama sa CCTV, pakiramdam tuloy niya siya ang tinititigan ni Shara. Sakto rin kasi na nakatitig siya sa Computer. Napalunok siya sa pagkakatunghay sa mukha ng dalaga. Naalala niya tuloy noong

