Lara NAPAKUNOT ang noo ko sa tinanong ni Jarred. "You mean si Dustin?" Balik tanong ko. Tumango sya habang hinahalo ang kape ko. Sya ang nagtimpla ng kape ko. Kagigising ko lang at medyo masakit ang ulo ko. Naparami yata ang inom ko kagabi. Linggo ngayon dapat ay magsisimba kami pero mamayang hapon na lang siguro. Ang mga bata ay nasa bahay nila mama at papa. "Mukhang close kayo ng bago nyong engineer." Aniya at umupo sa tabi ko. Pinatong nya ang isang braso sa mesa at dinampot ang sariling kape. Dinampot ko rin ang kape ko at humigop. "Hindi naman, ako lang kasi ang una nyang nakilala kesa sa mga kasamahan ko." Nakangiwing sabi ko. Sumigid na naman kasi ang kirot sa sentido ko. Lumingon sya sa akin. "Nagkakilala na kayo?" "Oo, sa mall. Nagkabanggaan kami sa isang store ng m

