Lara MATAMAN KONG pinagmamasdan si James at ang biological mother nyang si Geraldine. Nasa kabilang mesa sila at hinayaan muna namin ni Jarred na magkasarilihan ang mag ina. Nandito kami sa resto at dito namin piniling magkita ang mag ina. Halatang hindi komportable si James sa ina nya. Pero bago sila nagkita ay kinausap muna namin sya ni Jarred tungkol sa totoo nyang ina. Hindi na raw nya masyadong natatandaan sa isip ang mukha ng ina kundi sa mga pictures na lang. Mag a-apat na taon pa lang kasi sya noon noong tuluyan syang iwanan na ng ina. Pinaliwanag namin sa kanya na gusto syang makita ng totoo nyang ina. Hindi namin sya pinilit at nagdesisyon sya na gusto rin nyang makita ang totoong ina. Medyo nakaramdam din ako ng awa kay Geraldine dahil halatang malungkot sya at nasasaktan d

