bc

AJEDREZ

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
others
arrogant
no-couple
genius
witty
male lead
realistic earth
poor to rich
school
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Many young people dream of attending the famous school in central Luzon, and this school is Mentum High, the students who enter there can be given a scholarship and study at one of the most popular schools in the world.

However, they have to win in the traditional Mentum High game. And win a whopping 7 million pesos

chap-preview
Free preview
The Last Slot
He was just going up the stairs when he heard his mother coughing loudly. He scratched his sweaty forehead as he crossed the stairs. When he reached the last step, he decided to sit down first. He pulled the bimpo that was slung over his shoulder and used it to wipe his sweat. His mother continued to cough. So when he calmed hiself, he decided to go inside. "Oh, Baste." Bati ng ina. Alam niyang masama ang pakiramdam nito ngunit mabilis na binago ng ginang ang kaniyang awra upang hindi siya magalala. "Mukhang malala na yang ubo mo, Ma." Nagpatay-malisya siya at tinanggap ang inabot ng ina na isang baso ng tubig. "Sinama kasi ako ni Melba sa dating pantalan. Nakalimutan ko magdala ng payong. Nagbakasakali ako na makakuha ng sariwang maibebenta ko sa palengke." Hindi na nito naitago ang pag ubo, tumalikod na lamang si Elen sa anak. " Natuyuan lang ako ng pawis." Anito habang hibuhugasan ang lulutuing gulay. Lumapit si Baste sa ina. " Ma, itabi mo, ako na." Pabirong sabi ng binata. Umalis naman si Elen at pinaubaya sa anak ang ginagawa. "Sumasahod naman ako, dapat nandito ka lang sa bahay." Aniya. "Lalo akong magkakasakit kapag wala akong ginagawa." "—at isa pa pinagiipunan ko yung pageenroll mo ngayong pasukan. Kailangan mo may matapos anak." Dagdag pa nito. He felt guilt. Excessive scrubbing at work is the reason his mother gets sick. "Hm.. Tapos na ba? Akina at nang maluto ko na." Umalis siya sa pwesto at imbis na panoorin ang ginang, sinamantala niya iyon para makuha ang reseta sa pitaka nito. "Ma, may bibilhin lang ako." Nagmadali siyang lumabas. Sa kaniyang paglalakad sa labas, nakita niyang naguumpukan ang kaniyabg mga kakila sa tapat ng bahay ni Jordan, ang pinaka-may-kaya sa buhay dito sa kanilang lugar. " Toy, nu yan?" Curious niyang tanong. " As usual nagyayabang nanaman 'tong payaso." Umiiling na sagot nito. Tiningnan niya ang ginagawa nito. Naglalaro sila ng chess. Naging schoolmate niya si Jordan noong elementary. Masasabi niyang di lang siya basta mayabang. Matalino din talaga ito. Sa pagkakatanda niya naging champion ito sa larong chess sa school nila. "Hahaha! Mahinang nilalang. Oh—next!" Natatawang sabi nito. May umupo ulit para kalabanin si Jordan. Inayos na nila ang pieces. " Oh! Nahulog yung kabayo paabot nga." " Hindi ka naman nahulog, nakaupo ka parin naman." " Tarantado ka ah. Isa pa. Sapakin ko mukha ng nanay mo." Nagtawanan sila. " Ano ba meron?" Tanong niya. Siguradong meron silang gustong makuha kay Jordan. "Niyabang kasi ni Jordan yung last slot na nakuha niya para sa entrance exam sa Mentum High. Bukas na iyon. Afford naman daw ng pamilya niya sa ibang school. Ibibigay niya nalang daw sa iba yung slot nya pero hindi libre. Dapat matalo sya sa chess." Paliwanag ni Totoy. "Dami namang public school dyan bakit doon pa nila gusto?" "Hindi pre. Target nila yung Ajedrez sa Mentum High. Isipin mo pre, 7M. 7M ang prize!" Anito. 'Ingay niyo naman." Reklamo ni Jordan. "At di lang iyon ah, may chance ka pa makapag-aral sa Oxford pag naging scholar ka nila. Daming opportunity di ba?" Pabulong na sabi ni Totoy. Hindi na umimik si Baste. Bagkus pinanood niya nalang kung paano maglaro sila Jordan. Pero parang echo na nagpaulit-ulit sa tenga niya ang pitong milyong piso na premyo sa Ajedrez. Nangingiti niyang tinitigan ang bawat galaw ng kamay ni Jordan. Ilang sandali pa'y tumatawa na naman ai Jordan dahil alam niyang matatalo na niya ang kalaban. "Oh! Mateeh!" Mayabang na sabi nito. "Easy. Di man lang pinagpawisan." Sabi ni Jordan. "Oh? Sino pa?" Tanong nito. Umiiwas na ng tingin ang iba. "Kaya wala kayong nararating eh. Bilis niyo sumuko." Anito. "Sarap sampalin ng chessboard eh." Bulong ng iba. "Hilahin ko yang braces mo eh." "Anuna? Pupunitin ko na 'to?" Napabuntong hininga si Baste at walang sabi na naupo. "Huy? Baste." Nagulat pa si Jordan nang umupo na siya. "Bakit?" Tanong niya. "Hindi ka naman marunong di ba? Dama na nga lang natalo ka pa nung elementary tayo." Natatawa na sabi ni Jordan. " Gusto ko subukan eh." Nakangiting sabi ni Baste. Pinili niya ang black pieces. "Oh di ka pa marunong mag assemble ng pieces. Tss—wala na. Panalo na ko." Napuno ng bulung-bulungan ang kumpulan. " Hindi man lang ako mapapagod dito kay Baste. Ba'yan!" Nagpalinga-linga pa si Jordan sa paligid. " Ano? Wala na ba lalaban talaga? Nakakabagot naman." "Ang ingay mo Jordan!" " Maglaro na kayo." " Oo nga!" " Tampalin ko ng tsinelas yang bibig mo eh." " Eto ah. Ma-checkmate mo lang ako ng isang beses, sayo na 'to. " Sabi ni Jordan na pinapaypay pa ang hawak na last slot. " Deal. " Sagot ni Baste. " Aba. Napalag. " Ang iba sa kanila'y tinawanan pa si Baste. " Pagbigyan mo na matindi pangangailangan niyan. " "Hahaha matindi ba? " Ani Jordan. " Oo gagi, nakasalubong ko si aling Elen galing pantalan, walang nakuhang isda, hindi nasabihan ng bantay na nagboracay yung isda. Hahaha! " " Hahaha! " Nanatiling walang kibo si Baste at nakangiting nakatitig kay Jordan. Ginalaw ni Jordan ang kaniyang pawn at inilagay sa f3-square. "Naalala mo ba yung kaklase batin sa sci-dama non?" "Sino don?" -Jordan. "Si dikit!" "Ah! Oo! Wala naman. No match. Naging kaklase ko nung first year nangopya pa sakin."-Jordan. Ginalaw din naman ni Baste ang kaniyang pawn sa e5-square. Jordan kept talking to his colleagues as if he didn't really take Baste seriously. There is a chance that Baste's mother's work gets into their subject and they make fun of it and mock the lady in front of Baste. Jordan followed with his pawn’s move to g4 and Baste quickly moved his queen to h4-square. "Checkmate." "Ang yabang mong lakup ka, 2 moves ka lang pala." Sabi ni Totoy. Nakangiting inilahad ni Baste ang kaniyang palad. " Akina." " Hoy Jordan, ibigay mo na." " Hoy Jordan, ibigay mo na yung puso mo sa kanya. Hahaha." " Hindi lang kita sineryoso." Iritang iniabot ni Jordan ang papel kay Baste. Kasunod non' ang biglang pag-balya nito sa chessboard. " Spoiled brat ang wala." Tumayo si Baste sa pagkakaupo. "Nu pre? Umpisahan mo na mag-review." Sabi ni Totoy. Tumawa lang si Baste. "Kala ko ba hindi ka marunong maglaro ng board games?" Tanong ni Totoy. " Hindi nga." Sagot niya habang kinakamot ang kaniyang ilong. " Pano ka natuto?" "Nakita ko lang yung move na yon kila mang Nestor." Natatawang sagot niya. "Ah yung lasing na lasing si kuya Karding?" "Oo. Hahaha! Daldal kasi ni Kuya Krding eh, di niya tuloy napansin." "Parang si Jordan." Halos sabay pa silang nagsabi at tinawanan na lamang ito. Matapos makipagkwentuhan kay Totoy, bimili na siya ng gamot ng ina. "Anak, mahal masyado ang Mentum High. " Sabi ni Elen matapos makita ang reservation slot sa ina. " Kaya nga po maga-apply ako ng scholarship ma eh. " " Sige, anak." Baste soon convinced his mother as well. That's why in the evening of that day, Baste started reviewing for taking the entrance exam.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook