Natawa na lang ako nang mapansin kong napalunok siya pagtingin niya sa akin. "Ganda," tanging banggit niya habang nakatingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata na kulay kayumanggi. Agad niya akong niyakap. Hinayaan ko naman siya dahil yoon na lang ang pahinga niya. Halos araw-araw na niya akong pinagmamaneho. Pinang hanap pa niya ako ng trabaho. Ano pa bang mahihingi ko sa kaniya? Maliban kasi sa sweet, hindi maitatanggi na grabe siya kung mag effort. "Ikaw talaga. Lagi mong pinaaalala sa akin na maganda ako. Wag kang aalis ha?" saad ko naman at saka siya tumango na parang baby. Ang cute niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. "In fairness. Inaamin ko, maganda siya," saad naman ni bakla na nasa likuran ko pala at pinanonood kami. Dahil doon ay nagulat ako at naitulak ko

