Dahil sa pagkadismaya ay tumayo ako sa kinauupuan at saka aalis na sana nang biglang mayroong yumakap mula sa likuran ko. "I'm sorry," saad ng babaeng mangiyak-ngiyak. "Carrisa?" saad ko naman at lalo pa siyang humagulhol sa iyak. Bagaman nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ay hinding hindi ako magkakamali na boses nga iyon ng best friend ko. Nang tumalikod ko para tingnan siya ay nagulat ako nang makita kong magang-maga ang mga mata niya na hindi kinayang takpan ng shades na suot niya. Pansin ko rin ng pag-payat niya kaya't nakaramdam ako ng lungkot. Sinisisi ko sa aking sarili kung bakit umabot sa puntong napabayaan niya ang sarili niya dahil sa selfish act ko. Dahil sa nakita ko ay hindi ko mapigilang maiyak. Agad kong hinawakan ang mga pisngi niya sa pag-aalala. "Ca

