Sinabi ko noon sa sarili ko na kung dumating man ang araw na ito, hindi ako tatakbong papunta kay papa para yakapin siya. Hindi na ako yung dating papa's girl na sobrang sabik na sabik sa kaniya. Bagaman nabigla ako nang makita ko ang isang lalaking nakasuot ng Americana, kulot ang buhok at naka salamin sa hapag kainan kasama si mama ay ipinangako ko sa sarili ko noon na hindi ako masasabik ulit dahil pagod na akong masaktan dahil sa biglang pagbabago. *flashback* "Papa!" agad kong salubong kay papa sa tuwing uuwi siyang galing sa trabaho. Mainit na yakap ang pasalubong niya tuwing uuwi siya. Bonus na lang kung may dala siyang turon. "Ang bango naman ng prinsesa ko na yan!" saad niya at saka niya ako tinadtad ng halik sa pisngi. Halos hindi na nga ako makahinga sa yakap niya.

