"Uhm, papa. Aalis ka na ba? Iiwan mo na naman ba kami? Papa, huwag!" saad ko sabay abot ng kamay ko sa damit ni papa. Aalis na naman siya. Wala akong nagawa para mapigilan siya. "Ring! Ring! Ring!" tunog na mula sa aking bulsa. Agad kong kinuha ito upang sagutin ngunit kahit makailang beses kong pindutin ang kulay green na telepono ay hindi ko ito mapatigil. Sa sobrang ingay nito ay sumasakit ang ulo ko. Patuloy ako sa pagpindot ng telepono ngunit hindi pa rin tumitigil ang tunog. Dahil sa ingay ay nagdilim ang paligid. Pagbukas ko ng mga mata ko ay nakahiga na ako at nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Nananaginip lang pala ako. Isang masamang panaginip na naman. Hindi na ako tinigilan. Nandito naman na si papa at pakiramdam ko ay babalik na sa dati lalo na at hanggang n

