Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari sa buhay ko sa loob lang ng isang buwan. Napilitan akong mag adjust sa isang panibagong environment. Hindi rin naman kasi makabubuti sa akin kung mag sstay pa ako sa ganon kung mahihirapan lang din naman ako. Isa pa, para sa akin din itong ginagawa ko sa akin. "Hay, nako," singhal ko habang marahang nahiga sa aking higaan. Isang mahabang araw na naman ang natapos. Pagod na pagod ako, pero masaya. Ngayon ko lang naramdaman na tratuhin nang ganito. Parang kailan lang ay naiiinggit lang ako sa ibang couple na super sweet at super lambing pero ngayon, mayroon akong isang manliligaw na kilala ko buong buhay ko at kilala rin ako kaya't kahit hindi ako magsalita, para bang binabasa niya ang isip ko. Sa kabila ng lahat ng say

