"Speaking of... Hello Mr. Aaron," saad ni Mrs. Santiago nang sagutin niya ang taong tumawag sa kaniyang phone. Ibinaba niya sa mesa ang phone at inilagay sa loud speaker. "Hello. I just wanna know if how's my princess doing," wika ng lalaki sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok at nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyayari. So nirecomend pala ako ni Aaron dito sa kumpayang ito. "Yeah, she's doing great. Mayroon nga lang siyang na witness na– you know," sagot niya kay Aaron at saka sila nagtawanan na parang mga tanga. Para bang napakaclose nilang friends tulad namin noon ni Carrisa. Hindi ko alam na mayroon palang kaibigan si Aaron na isang may-ari ng napakalaking kumpanya. "Interview-hin ko na sana siya kaso bigla kang tumawag," dagdag niya pa. "Okay. Tel

