"Good luck sa job interview mo!" bati ni Aaron bago ako tuluyang bumaba sa kotse at pumasok sa building. Sinuklian ko naman ito ng isang flying kiss at sinalo niya naman. Para tuloy kaming mga bata. Habang naglalakad papasok ng building ay patago pa rin akong kinikilig sa mga nangyayari. Hindi ko talaga mapigilang kiligin dahil ngayon lang ako tinrato nang ganito kaya't halatang sabik na sabik ako. Mabuti na lang at mayroong isang tao na walang masamang pakay sa akin na gumagawa nito. Napakaswerte kong mayroon akong siya. Pero... kumusta na kaya si Natan? Antagal ko nang walang balita sa kaniya. Pero ang huling balita ko, mayaman daw iyung Francheska na iyon kaya't kahit na papaano'y naambunan siya. Sa lagay na iyon ay sugar mommy pala ang gusto niya. Hindi niya naman sinabi sa akin

