Leiden's POV Sa tinagal tagal nga naman ng panahon, halos ngayon ko lang na appreciate ang good looks ni Aaron. Suguro dahil naka salamin siya noon at napakagulo pa ng buhok na animo'y hindi man lang nagsusuklay. Dahil sa mga pinag-gagawa niya sa akin, hindi ko siya mapigilang maisip sa tuwing pipikit ako. Gago ka talaga Leiden! Hindi ka pa nga nakaka move-on. Pero malay natin 'di ba? Baka totoo rin tong nararamdaman ko para sa kaniya. Sino ba naman kasing hindi mahuhulo kapag pinatugtog mismo sa harapan mo ang paborito mong kanta gamit ang dalawang instruments na pinangarap kong matutuhang gamitin. Halos lahat ata ng bagay sa akin ay alam niya. Masyado ba akong open sa kaniya noon? Pero kahit na papaano ay mayroon ding benefit dahil panigurado, kung maging kami man ay hindi kami

