Nang makita ko si Aaron na nakasandal sa kanyang itim na kotse, suot ang kanyang paboritong sunglasses at itim niyang dsamit na pinarisan naman ng dirty white na pants, animoy seryoso siyang nakatingion sa malayo na parang may binabantayan doon. Pagka-park ko ng saskyan, kaagad naman akong lumabas at dahan-dahan siyang nilapitan.
Kaagad naman siyang napatingin sa direksiyon ko habang hawak ang kanyang ulo at nakasimangot. Medyo nakaramdam ako ng konsensya, kaya nag-peace sign na lang ako. way yun ng paghingi namin ng sorry sa isat-isa. Napalakas yata ang sapok ko sa kanya.
"Bwisit ka talaga, Lei!" padaskol niyang sabi, saka ako inirapan. Itong llaki talaga na ito, mas daig pa ako sa kaartehan.
"Ano ba kasing problema? alam mo bang hindi pa ako naglu-lunch?" inis kong sagot. "Kung nasiraaan ka, edi sana nagtawag ka na lang ng mekaniko! Inabala mo pa ako," dagdag ko pa.
Imbis na sagutin naman niya iyon ay tinanggal niya ang suot niyang sun glasses at hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam pero habang hinahawakan niya ito nakaramdam ako ng takot o nerbiyos sa sarili ko. Malamig din ang kamay niya. kapa kasi ganito si Aaron, dalawa lang ang posibilidad; May nangyaring masama o may nakita siyang masama.
"Lei," Tumingin siya nang seryoso sa akin. "Leiden Samantha,' dagdag pa niya, saka siya humugot nang malalim na buntong hininga.
"Ano ba?" Tumawa ako nang kaunti at tinanggal ang kamay ko sa kanya, upang sa gayon ay mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. "Nababaliw ka na naman!" pabiro ko pang hirit.
Ngunit imbis na sagutin niya iyon ay kinuha niya ulit ang kamay ko, at sa pangalawang pagkakataon pinisil niya iyon nang dahan-dahan. Iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Parang may...mali.
" I know you did your best. You are enough, simple ka lang, mabait, mapagmahal at higit sa lahat binibigay mo ang lahat sa taong mahal mo, kahit madalas ubos na ubos ka na. Madalas makuda ka at nakakairita ang boses mo, pero hindi iyon rason para lokohin o pagpalit ka ng paulit-ulit ng taong pinili mo."
Napangiti ako nang mapait upang matakpan ang nagbabadyang luha na malapit nang kumawala. "Anong pinagsasabi mo? Anniversary namin ngayon ni Natan, nasa bahay siya ni Cedrick at abala sila sa autocads. Graduating na siya, kaya malabong mambabae siya, isa pa mahal ako noon," dipensa ko dahil alam ko na ang pinupunto niya. Noon pa man wala na siyang tiwala kay natan at sinasabi niya lagi na lolokohin lang daw ako niyon, dahil kilala niya noon na fuckboy si Natan kahit nung nakilala ko pa lamang siya.
" Lei, ilang ulit ko na bang sinabi sa'yo na hindi na magbabago ang dating gago? Ilang beses na ba kitang sinabihan?" Ngayon ay matigas na ang pagkasabi niyang iyon. Huling kita ko sa ekspresyon niyang ito noong pinuntahan niya ako sa park na umiiyak dahil nahuli kong niloloko ako ni Natan..
Sa totoo lang, hindi pa rin talaga nag si-sink in sa isip ko lahat ng sinasabi niya ngayon kaya isang mapait na ngiti pa rin ang isinagot ko. " Alam mo, kung msy gudto kang sabihin, direktahin mo na. ayaw ko ng ganito. Hindi naman ako si Madam awring para manghula, sarkastiko kong sagot.
Mabuti na lang at tumahimik na siya pagkasabi ko niyon, akala ko tapos na siya sa kaiyang sinasabi ngunit bigla niya akong hinila patungo kung saan. Muntik pa akong matisod nang makaapak ako ng batong nakausli. Kaagad namang kumunot ang noo ko ngunit patuloy pa rin ang paghila niya sa akin.
"Aaron, ano ba! Saan mo ba ako dadalhin?!"
"Basta! Huwag ka nang maingay! I-reserve mo mamaya yang galit mo," aniya pa habang hila-hila ako patungo sa isang...motel?!
"Hoy Aaron! sinasabi ko sa'yo! Tanga lang ako p[ero virgin pa ako!" pagbabanta ko. Teka, saaan ko nakuha ang litanyang iyon?
Biglang natigil si Aaron sa paghia sa akin at namumulang sinamaan ako ng tingin. Tumigil kami sa tapat ng entrance ng motel at tinanggal ang pagkakhawak sa akin. Bigla niyang pinitik ang noo ko nang pagkalakas-lakas kaya parang bumalik ako sa ulirat habang nakangising hinahawakan ang masakit kong noo.
"Ikaw? Pagpapantasyahan ko, Lei? Mandiri ka nga! Halos sabay nanga tayong maligo noong bata tayo!" walang habas niyang sabi, kaya bigla ko na lang naramdaman ang pamumula ng mukha ko.
"Ehh... bakit kasi dinadala mo ako dito sa motel? Eh para lang to sa mga ma-partner 'no!" pautal-utal kong sabi. Kinis naman! Oo nga naman, bakit ko naisip ang mga ganung bagay? Hay nako Lei, crowded na talaga utak mo ha!
"Alam mo, hindi ko alam kung lutang ka lang ngayon o tanga ka," walang habas na sabi ni Aaron. "Tara na nga! Bago pa ako mapikon at isumbong ka kay tito!" aniya at pumasok na sa loob.
W ala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod, hinintay bko siya sa gilid habang siya naman ay tumungo sa reception area at nilapitan ang isang recetionist doon na nakangiti na parang as sa kanya. Kilig na kilig ang babaeng iyon na nakasuot ng kulay yellow at black na polo shirt habang nakaipit nang buo ang kanyang buhok. KIta tuloy ang gilagid ng babae sa kakangisi nito.
Sabagay, hindi ko rin sila masisisi. Sa school nga lang noon sa akin pa pinapaabot ng mga kaklase ko iyong mga gawa nilang love letters pati chocolate para kay Aaron e. Tapos pag nagkita kami ni Aaron, ibibigay lang niya sa akin iyong mga natanggap niya tapos itatapon lang niya iyong mga hindi nakakain. Tipikal na lalaki lang naman si Aaron. Matangkad, moreno, may dimples, bilugan ang mata, matangos ang ilong pero iyon nga lang makapal ang labi. Palagi ko nga siyang inaasar na laging sinisipsip siguro ang labi niya, kaya ayun inaasar din niya ako na pandak. 5'4 lang din kasi height ko, habang siya naman ay six footer.
Pagkaraan ng mahabang pag-uusap at pang-uuto ni Aaron sa receptionist, pagbalik niya ay may dala na siyang susi. Susi ng isa sa mga room dito?
"Handa ka na ba? Nakahanda na ba 'yang kamay mo para manampal mamaya?' aniya pa.
Hindi na ako nagsalita pa at naglakad na lamang kami ng ilang hakbang papasok sa elevator. Nang makapasok na kami, tahimik lang niyang pinipindot ang 5th floor.
"Sabi ni Jane nasa fifth floor daw sila, you ready?" tanong niya saka pinindot ang number five na button saka ito nagsara. Wow. Parang ilang minuto lang niya naausap iyong babae ah? Alam na agad ang pangalan.
Sa totoo lang habang umaakyat ang elevator, umaakyat din ang dugo ko sa ulo at nilalamig ang kamay ko pababa sa paa ko. Hindi ko alam kung ano ba itong nangyayari sa akin. Parang anytime hihimatayin ako. Hindi pa ako ready s ganitong sitwayon...ulit. Ayoko pa, please. Aaron, sabihin mong mali ka lang ng nakita.
Nang bumukas a ang elevator, tiningnan muna ako ni Aaron. Halata ang pag-aalala niya sa ain, but instead he simply smile and hold my hand.
"Ayoko nang maging tanga kapa sa pangatlong pagkakataon, Leiden. Kung ano man ang malaman o makita mo, sana maging bukas iyon sa puso at isip mo. Okay lang magalit, it's normal. Ilabas mo lahat, pero sana after nito, huwag ka na ulit magtitiwala sa kanya." Ibang-iba na ang tono ng pananalita ngayon ni aaron. Nakikita ko na sa kanya si daddy, malumanay pero nakakatakot.
inalalayan niya akong maglakad. Halos ayaw kasing humakbang ng paa ko tungo sa room 102 na nakalaga sa key holder. Parang sinasaksak ang puso ko ng daang kutsilyo kahit wala pa naman akong nakikita. Pakiramdam ko rin ang bigat ng hanging sumasalubong sa akin dito sa ikalimang palapag.
Nang nasa tapat na kami ng room, huminga muna nang malalim si Aaron bago ilagay ang susi ssa doorknob. Hanggang ngayon parang wala pa ring pumapasok sa isip ko sa mga nangyayari ngayon, para lang akong binuhusan nang malalig na tubig. Lalo na nang buksan ni Aaron ang pinto. Dahan-dahang tumambad sa akkin ang isang babaeng kakatapos lang maligo dahil sa nakabalabal na tuwalya sa kanyang gulo. Tila gulat na gulat din siya nang makita niya ako. Pero ako? Tulala lang at mapait na ngumiti. Kasunod niyon ay ang boses ng isang lalaki.
"Babae? Are you done? Saan tayo later?" rinig kong tanong nito, saka dumiretso siya sa kasama niyang babae na nasa harapan namin habang pinupunasan ang kanyang basang buhok.
Gulat na gulat pa si Natan ang makita ako sa harapan niya. Nakatapis pa at halatang sabay silang naligo ng officemate kong si Joyce. Walang lumalaas sa bibig ko na kung ano. Basta ang sunod ko na lamang nasaksihan ay ang pagsugod ni Aaron kay Natan at pinagsusuntok niya ito habang piipigilan naman siya ni Joyce.
"Hayop ka! Pinagkatiwlaan ka ulit ng kaibigan ko! Kung alam ko lang na manggago ka ulit, sana nagpatulong na ako kay tito na banatan ka noon pa!" gigil na sabi ni aaron.