"Tama na! wala kang karapatang saktan ang boyfriend ko!" awat naman ni Joyce sa pinaka-maarteng boses. Nabaling ang atensyon ni Aaron sa kanya. Kung tutuusin wala naman akong binatbat kay Joce. Mayaman siya, magand, sumasali sa mga beauty pageant. Iyon nga lang magkatalo kami sa ugali. "Isa ka pa!" Panduduro nito kay Joyce, saka sinuri siya mula paa paakyat ng ulo. "Maganda ka sana e, kaso ang landi mo!" Aambahan pa sana niya ng isa pang suntok si Natan habang pinupunasan nito ang dugong namuo sa gilid ng kanyang labi, ngunit hinawakan ko naman kaagad ang matigas na kamao ni Aaron. Tiningnan ko siya nang nakikiusap saka ako tumango sa kaniya. Parang ngayon pa lamang ako natauhan sa lahat ng nangyayari. Masakit ngunit kung patuloy lamang akong iiyak sa harapan ni Natan at magmamakaawa, a

