Pagkasakay ko sa aking kotse ay pinaandar ko na ito agad ngunit napansin kong wala na pala akong gasolina kaya't nagtungo muna ako sa gasolinahan. Matapos kargahan ang aking kotse ay ibinigay ko ang aking card. Lumipas ang ilang sandali ay bumalik ang pump attendant upang ibalik sa akin ang aking card ngunit imbis na ibalik ito dahil sa nakapagbayad na ako ay nagreklamo itong tumatalbog ang card at wala itong laman kaya't nagbayad na lang ko through cash at saka na umalis. Dahil sa confusion ay binuksan ko ang aking phone upang icheck ang aking bank account ngunit nabigla na lamang ako nang mabasa ko ang isang notice. "Your account has been frozen due to a request of a parent account holder," saad nito. Napatapik na lamang ako sa aking noo dahil alam ko na ang nangyari. Mayroon n

