"Tignan mo ito," wika ko kay Johanna sabay pakita sa kaniya ng picture naming dalawa ni Leiden na masaya. "Iyan ang girlfriend ko at magkakaroon na kami ng anak," dagdag ko. Nang makita niya ito ay halatang nalungkot siya dahil sa maluha-luhang mga mata niya ngunit tinatagan ko ng aking kalooban. Patuloy lamang ako sa pagsasalita ngunit wala itong kibo kahit na kami lang namang dalawa rito sa loob ng kwarto ko. Minabuti kong dito kami mag-usap dahil ayaw kong may sinumang makarinig ng pag-uusapan namin dahil hindi talaga maalis sa akin at sa aking kutob na mayroong mali. "Alam kong hindi dala ng kalasingan iyung pagkahilo ko last time. Alam na alam ko ang lasa ng alak na iyon pero mayroong kakaiba nang una kong tikman. Mayroon kang inilagay doon. Malas mo nga lang at napurga ako

