"Lei. Pauwi na ako. Pasensya na, nabusy sa party," message ko kay Lei nang makasakay na ako sa kotse at akmang aalis na. Pagka start ng kotse ay agad na tumunog ang aking cell phone dahil sa bagong message na mula kay Leiden ngunit hindi ko na muna ito inasikaso dahil dapat ko na munang problemahin sa ngayon ay kung paano ako makalalabas dito nang walang pumipigil sa akin. Nagmadali akong paandarin ang kotse nang maalala kong kasama rin pala sa party ng mga guard at paniguradong walang nagbabantay sa labas. Pagkarating ko sa gate, laking gulat ko nang mayroon palang guard doon ngunit hindi ako kaagad na nagpanic dahil baka makahalata ito. Agad ko namang ibinaba ang bintana at saka niya ako pinagbuksan ng gate. Bago pa tuluyang makalabas, narinig kong tila nagring ang cellphone ni

