Hindi ko inakalang darating sa puntong magkakaroon ako ng pagkakataon na makilala ang parents ni Aaron. Never kasi na sumagi sa usapan namin ang tungkol sa mga magulang niya dahil alam kong they are not in very good terms. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ng mga mata ko. Ang buong akala ko, once na nakapasok na ako sa malaking pintuan ay deretso na ito sa loob ng bahay ngunit laking gulat ko nang makakita ako ng isang maliit na fountain na ang tubig ay dumadaloy papunta sa mga halaman na tumutulay sa apat na dingding ng lobby. Iba talaga ang mga mayayaman, maging ang personal nilang bahay ay mayroong lobby. Napakaswerte niya at ganito ang buhay na mayroon siya at hindi tulad ko na kailangan magtrabaho para sa sarili. Nagtatrabaho rin naman si Aaron para sa sarili niya pero kahi

