Lumipas ang isang taon... "Hon. It's been a year. I miss you so much now," wika ko habang pinupunasan ang lapida ng nitso ni Aaron at naghahanda ng alay na mansanas at banana que. "Alam kong magiging proud ka, if ever na buhay ka pa rin ngayon at nakikita mo ang anak mo. First honor nga pala siya consistent mula nang first to last quarter kaya may medal siya kahapon sa mismong recognition nila," dagdag ko pa habang maluha-luhang umupo sa inilatag kong picnic matt. Marahan kong inalis ang tali ng mga dala kong white tulips at saka ito inilagay sa vase na mayroong lamang tubig dahil balak kong iwan ang mga ito rito upang manatili ang mga itong buhay hanggang sa itatagal nila. Habang abala sa pag-kain ng dala kong pagkain para sa sarili ko, nagkukunwaring kasama kong kumakain si Aaron,

