*one year before Aaron's death* Steven's POV "Let's meet at your office," saad ni Aaron sa fax na ipinadala niya kaya't minabuti kong maghintay na lamang dahil sa mukhang importante ang kaniyang sasabihin para puntahan pa ako mismo rito sa office ko. Habang naghihintay ay umupo muna ako sa aking upuan sabay patong ng aking paa sa table. Maya-maya pa ay mayroong kumatok at saka naman pumasok ang aking secretary. Namumula ang mukha nito at mukhang nahihiya pa sa akin. Sa tinagal niyang secretary ko, hindi pa rin nito mapigilang kiligin sa tuwing nakikita niya ako. "S-sir. Nandito na po si Mr. Aaron," wika niya sabay senyas ko na papasukin niya ito. Pagpasok ni Aaron, hindi ko siya halos makilala dahil sa pinagbago niya. Kung nuon ay isa siyang nerdy na successful businessman, nga

