Pagkababa ko ng taxi ay bumungad sa akin ang isang napakalaking building na kung susumahin ay nasa mahigit kumulang isandaang palapag. Kung titingala ako nang mas matagal pa ay masisira na ang mga mata ko dahil sa repleksyong mula sa araw na hatid ng mga salamin na na siyang sumasakop sa exterior ng building. Nangangatog ang mga tuhod ko at hindi ko mapigilan. Maaari kasing ito na... Maaaring ngayong araw mismo, makita ko na ang lalaking iyon. Agad akong pumasok sa building at pagpasok ko pa lamang ay ramdam ko na ang mainit na atmosphere kahit na fully air-conditioned naman ang lobby. Napakasama ba naman ng tingin nilang lahat sa akin na parang nagawan ko sila ng masama. Maski guard, clerk, lahat sila, masama ang tingin sa akin. Maganda naman ako ah? Mukha ba akong pulubi na bigla

