"Anak... Anak," bigkas ng lalaki sa aking mukha. Ramdam ko ang init ng hininga nito na tumatama sa aking mga pisngi. Sa pagkagulat at tila gulay ako na walang buhay at hindi rin naman makagalaw. Napaka weird ng ganitong pakiramdam ngunit ang mas inaalala ko ngayon ay kung nasaan ako. "Anak... Anak," muling bigkas nito. Nang pangalawang beses niyang sabihin ito ay naramdaman ko na parang mayroong kamay na humahawak sa akin. Habang nakatingin ako sa nakakatakot na mukha ng lalaki, biglang naglaho ang lahat at pumukaw sa akin ang sinag ng araw. "Anak, gising na. May trabaho ka pa. Ako na ang bahala kay Amara at gumayak ka na," suhestiyon ni mama. Panaginip lang pala. Masyado ko sigurong inisip iyong sinabi ng lakaki na iyon. Natutukso lang ako na alamin pero tingin ko, hindi na iyon

