Leiden's POV Isang taon na rin ang lumipas nang mangyari ang lahat ng bagay na hindi ko inasahan pero tila sariwa pa rin sa akin. Napakabilis ng mga pangyayari ngunit bakas pa rin sa bawat kong mga hakbang ang pinagdaanan ko. Mabuti na lamang at natanggap ako sa trabahong inapply-an ko noon. Masusuportahan ko na ang anak ko kahit na hindi na umaasa kay mama. Masyado na akong matanda para umasa pa kay mama. Habang nagmamanehong pauwi galing sa trabaho, tinahak ko ang madilim na daan hanggang sa matanaw ko na ang liwanag ng siyudad kung saan nangyari lahat halos ng aking trauma. "Not your barbie girl, I'm living in my own world~" pagsabay ko sa saliw ng musika sa aking kotse. Habang masayang sumasabay sa kanta ay isang establisiyemento ang pumukaw sa aking atensyon, ang Stag Night B

